Chapter 1

326 11 5
                                        


"Let's go?" Tawag sa'kin ng kaibigan at roommate ko na si Gia. Tumango ako at kinuha na ang bag ko bago tumayo.

"Grabe, nakakapagod talaga!" wika naman ni Riley na nag-iinat pa. Papunta na kami nila Riley sa canteen para mag-lunch. Matagal-tagal pa naman ang susunod na klase kaya pwede pa kami tumambay doon.

"Guys, may chika ako!" wika ni Gia, sabay akbay samin ni Riley.

"Kailan ka ba nawalan?" Bahagya akong natawa sa sinabi ni Riley kay Gia, parang talking twitter na nga namin siya dahil hindi talaga siya nagpapahuli sa mga balita at sa aming tatlo dahil madami siyang mga kakilala. Hindi lang samin na mga med tech students pati sa ibang schools. Social butterfly nga naman.

"Nabalitaan ko lang doon kay Paui."

"Paui? Isn't he the brother of your ex?" Tanong sa'kin ni Riley.

"Yeah." Matamlay kong wika.

 Paui is my friend. I met his brother because of him. Paui is also law student. He already warned me na he's brother is a cheater at ang ending nasaktan lang ako.

"So, alam niyo ba na may namatay silang blockmate?"

"Huh? Sino?"

"I think the name is Nikki Santos." Nikki Santos? If I remember correctly siya yung na-issue last sem. Kumalat yun sa buong campus at nakarating din sa ibang school.

"Wait...hindi ba si Nikki yung may issue?" Mahinang wika ni Riley.

"Oh-" Naputol ang sasabihin ko ng tawagan ako ng isa pa sa kaibigan ko.

"Christian, musta?"

"Ayos lang naman. Oo nga pala, gusto niyo daw ba pumunta sa bar mamaya?" Napaisip naman ako. Wala naman kaming kailagan tapusin as of now, and I honestly need a break.

"Girls, g daw ba kayo sa bar?" Napahinto naman sila sa paglalakad sa tanong ko at nagkatinginan.

"Libre ni Christian?" Palihim ako napairap kahit kailan talagang etong si Riley puro libre.

"Oo, libre daw ni Kaloy." wika naman ni Christian. Narinig ata yung sinabi ni Riley dahil parang megaphone boses ng babaeng eto.

"Gago. Wala akong sinsabi!" Natawa ako nang marinig si Kaloy. 

Na-excite tuloy yung dalawa dahil ililibre kami nila Kaloy at Christian. Susulitin na namin ang libre nila dahil once in a blue moon lang yan manglibre. Nang makarating kami sa usual tambayan namin ay umorder na agad kami ng pagkain. May isa nalang kaming klase mamaya, mga dalawang oras pa yun kaya makakapag-chill pa kami.

"Okay! Back to our topic earlier." 

Nagpatuloy kami sa paguusap at hininaanan namin ang boses namin. Who knows may ibang taong makarinig sa amin. Matapos ang last class namin ay umuwi muna kami sa condo para makapaglinis ng katawan at mamahinga bago pumunta sa bar. Agad ako dumeritso sa kama ko at humiga para matulog. Nagising ako ng mga bandang 6 ng gabi, matagal pala akong nakatulog. Mamayang 9 pa naman ang alis namin kaya ayos lang.

"Ali, pwede ba pabili ng toyo sa baba?" Sigaw ni Gia, she's probably in the kitchen.

"Bakit ako?" Lumabas na ako at nakita ko na nakasuot na siya ng tuwalya mukhang kakatapos lang maligo dahil basa ang buhok niya.

"Sige na, Ali! Libre kita ng lunch for two weeks."

"Tamad mo talaga! Sige na, bibili na ako." Pumasok muna ulit ako sa kwarto para magayos ng sarili.

"Yey! Salamat, Ali. Gusto ko yung datu puti, ah."

"Ang arte mo naman! Toyo lang naman din yun."

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon