Chapter 26

40 3 0
                                    


Halos isang linggo na ang lumipas simula ng makaalis na ako ng ospital. Pero may kakaiba akong napansin kay Davian...Para kasing medyo lumalamig na siya sa akin. Hindi ko din mapaliwanag. Minsan kasi sweet siya pero kadalasan ay hindi. Palagi siyang wala. Hindi naman niya sinasabi sa akin kung bakit.

Napapaisip nga ako kung meron ba nangyari habang natutulog ako. Ang sabi naman sa akin ni Benj ay halos hindi na nga matulog si Davian kakabantay sa akin. Hindi naman ako manhid para hindi ko yun mapansin. Madaming nag-bago sa kanya. I know Davian. Sa tingin ko nga ay hindi niya pa naman talaga ako tuluyan naalala. Ginagawa niya lang lahat ng eto dahil napipilitan siya.

"Hindi ko na alam." I sighed. Isandal ko ang ulo ko sa lamesa.

Kasama ko yung girls ngayon sa isang café, tinawagan ko kasi sila kasi hindi ko na din alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang isipin ko or if I'm overreacting.

"Kailan mo pa ba napapansin yung panlalamig ni Davian sa'yo?"

"After ako na-discharge nung sa ospital naman, he was still sweet to me ayaw pa nga humiwalay sa akin, diba? Ang clingy niya pa noon pero ngayon...Ewan ko ba." Hinawakan naman ni Riley ang kamay ko.

"You should confront him, huwag kang magtakot na magtanong. Para malinawagan ka at malaman mo kung bakit siya ganun."

"Tama si Riley, Alannis. Tell Davian how you feel." If it only it was that easy...

"Kilala niyo naman ako, diba? I always tried to talk to him pero he barely goes home. Hindi ko alam kung saan yun pumupunta." I frowned.

Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya dati kasi nagsasabi siya sa akin, papayagan ko naman siya eh. Pero bakit ganun?

"Tanong ko kaya si Benj?" Tanong ni Gia habang nakatingin sa phone niya. Umiling naman ako.

"Huwag na, I already asked him. Loyal yun sa best friend niya."

"Oh, Ali. You don't know how much power I hold" wika ni Gia sabay kindat. Natawa naman kaming dalawa.

"You don't have to Gia, baka mag-away pa kayo ni Benj. Sa amin nalang ni Davian eto, kakausapin ko nalang siya."

"Dahil nakabusangot ka, you deserve a little fun. Why don't we have a girl's night out? Mamaya!" Inangat ko ang ulo ko at napatingin kay Riley.

"Gaga ka! May inom din tayo bukas." Oo nga pala, birthday ni Kaloy bukas. But a girl's night out sounds fun.

"Edi mas masaya, kaunting beer lang ang sagot diyan, Ali." Napangiti naman ako. They know me so well.

"Kinilig naman ang pwet ni Alannis." Natatawang wika ni Gia kaya binatukan ko naman siya.

"Sira!"

"We should go shopping!" Gia suggested.

"Sure langs, I'll call Chantelle and Hermione, you know them, di'ba?" wika naman ni Riley at tumango naman ako. They visited me a day before ako ma-discharge.

"Girlfriend ni Gray yung isa di'ba?" Tumango naman ako.

"They said, nandito lang din sila sa Mall. Sasama nalang din sila sa shopping natin!" Tumayo na kami para puntahan sila Chantelle doon sa Forever 21 dahil nandoon daw silang dalawa.

"Hi, Alannis!" bati sa akin ni Chantelle ng makita niya ako. Nakipag-beso din siya kila Gia at Riley.

"Hey, Ali! I think you should wear this." Ibinaling ko ang tingin ko kay Hermione na may dala-dalang dress. Napataas naman ang kilay ko.

It was a one shouldered seductive red dress and on her other hand is a pair of black 7-inch heels.

"No way! I can't even handle a 5-inch heel, how do you expect me to wear that?" Hemione smirked.

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon