In loving memory of
Bettina G. Ramos
Feb 23 1999 – Aug 25 2018
Nasa puntod kami ngayon ni Tina dahil nga nag-promise ako na bibisitahin namin siya, "Let's go home." Sinundan nalang namin siya ni Benj.
A few days has passed at naramdaman ko na unting-unti na siyang bumabalik sa'kin. Hindi katulad nung pag-gising niya na ang cold at medyo distant siya sa'kin. Sumakay na kami ni Davian pareho sa likuran ng sasakyan. "Ginagawa niyo talaga akong driver e. Mabuti pa nga dati pareho kayong nasa harap."
"Shut up, Benj." Pagka-uwi namin ay dumeristo ako sa banyo para maligo. Nag-bihis na din ako at umupo sa harap ng vanity area ko at nagpapatuyo ng buhok.
"Let's watch a movie." Napalingon ako kay Davian na naka-upo sa kama at pinaglalaruan ang remote. Natapos na ako magpatuyo at hinugot yung saksakan.
"Sure. What do you want to watch?" Lumapit ako at tinabihan siya.
"I don't know. Let's see." Binuksan niya yung t.v at pumunta sa Netflix. Nag-browse lang siya ng nag-browse hanggang sa may napili na siya Napataas ang kilay ko sa pinili niyang movie. Mamma Mia? I love the movie lalo na yung musical. Naging part ako ng isang musical nung high school at ako yung nag-portray ng character ni Sophie.
"What? You don't like it. I can choose another one if you want." Ngumiti ako sabay iling.
"Wag na. Bakit naman yan ang napili mo?"
"I wanna watch something new? I guess."
"Alam mo ba, bago ka nagka-amnesia ay dapat papanoorin natin yan pero ayaw mo." I chuckled.
"Talaga?" Tumango naman ako. He pressed play at nag-simula na kami manood ng movie. I already watched the movie even the sequel dahil ayaw niya panoorin edi nanood ako mag-isa.
Pinapanood ko lang yung reaction niya habang nanonood. May ganito ba talagang tao? Naka-poker face kahit nakakatawa yung eksena? "Stop staring at me and watch the movie." Agad naman ako nag-iwas ng tingin at nanood nalang ulit.
"I really love Donna's character." Sinulyapan ko si Davian at napataas ang kilay ko.
"Edi doon ka kay Donna." Mahina kong bulong at napahalukipkip ako.
"May sinasabi ka?"
"Wala. Manood ka nalang diyan." I saw him smirk kaya napataas na naman ang kilay ko.
"Don't tell me...you're jealous."
"Am not!" Pagtanggi ko.
"Yes, you are!" Pinisil niya naman ang cheeks ko at tumawa.
"You look so cute when you're pissed."
"Tse! Bahala ka diyan. Mag-sama kayo ng Donna mo."
I didn't know I could be this petty! I mean pinuri niya lang naman si Meryl Streep. Ano naman? It's not like they know each other. I doubt papatulan siya ni Meryl Streep.
"Hey, Ali."
"What?" He smiled sweetly and did a peace sign.
"Hey, can you sing for me?"
"Why?" I was kinda irritated sa kanya kaya bakit ko siya kakantahan? If only hindi niya sinabi yun hindi ako mababadtrip.
"Please." He pleaded.
"Fine. What do you want me to sing?" I sighed.
"Surprise me."
Nag-isip muna ako ng kanta na pwede kong kantahin para sa kanya. Ang dami kong naiisip pero hindi naman ako makapili kung alin. A smiled formed on my lips ng may naisip ako. I bet hindi niya alam yung kantang eto. Narinig ko nga lang eto sa YouTube ng nagpaptugtug ako tas bigla siya nag-play.

BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...