Chapter 29

38 4 4
                                    


"Nasaan na ba si Ryan?" Napatingin ako sa relos ko. Ugh, bakit ko nga ba ulit kasama yung pagong na yun? We're running late! Maiiwanan na kami ng eroplano or siya. Pwede ko naman siyang iwanan.

"Ali!" rinig ko ang malakas na boses ni Ryan, tumakbo siya papalapit sa akin. Agad ko naman piningot ang tenga niya.

"Late ka na naman!" sigaw ko.

"Aray!" Naglakad na ako at sumunod naman na siya agad.

"Alannis, wait up!"

Hindi ko siya pinansin. Sakto at may mga nakapila na sa boarding gates. Mabuti nalang talaga at nakaabot kami kung hindi kokotongan ko talaga yung lalaking eto.

"Sabihin mo nga ulit sa akin kung bakit ikaw pa ang nakasama ko?" Napahawak naman siya sa puso niya na akala mo inatake na.

"Ouch naman, Ali! Nakapasa nga ako doon sa exam para sa student exchange program ng school!"

"Kung alam ko nga lang na sa Pilipinas, edi binagsak ko na, di'ba?" bulong ko.

"Ewan ko nga ba kay Kuya, may pa exchange-exchange pa na nalalaman. Akala ko nga lang hanggang college lang yun e. Hanggang med school pa pala. Take note ah, second year pa lang tayo." Nagtataka nga din ako. Ano ba purpose ng exchange na eto? Akala ko nga sa Amerika or somewhere. Hindi ko naman inaasahan na sa Pilipinas naman.

"Kailan ba huling bisita ko sa Pilipinas?"

"Almost three years na. Bakit?" Umiling naman siya.

"Oo nga pala! Sorry makakalimutin. Naalala ko noon bagong lipat ka sa school noon. Ang daming nagkakagusto sa'yo noon. Tapos lahat busted! Si Brent lang talaga ang pursigido, imagine almost three years ka na din niyang nililigawan." Napairap naman ako.

"I have no time for those nonsense, Ryan. Alam mo yung priority ko."

"Ang sabihin mo, hind ka pa rin nakaka-move on sa ex mo!"

"That's a long time ago, Ry! Hindi ko na yun iniisip. At alam mo naman na isang celebrity si Brent." Binigyan naman ako na makabuluhang ngiti ni Ryan.

"Oh? Bakit ganyan ka makatingin?"

"You're both celebrities! You were featured in a famous medical series then after noon naging kapatid ka naman ng isang bida sa isa pang patok na series ngayon sa Netflix." Na-conscious ako bigla kaya I lowered my hat and put on my sunglasses.

"Shut up, Ry!"

"It's true, you're famous kasi."

"Whatever." Sumakay na kami sa eroplano at sa business class kami dahil yung school ang nagbayad ng flight natin. Nakatulog ako halos buong byahe, ginising lang ako ni Ryan para kumain. Tanghali na ng makarating kami sa Pilipinas.

"Nandiyan na daw sila Gia." wika ko pagkababa ko ng tawag.

"I'm excited to meet your friends." Tumango nalang ako.

Pagkakuha namin ng maleta namin ay hinanap na namin sila Gia. Napangiti ako ng makita ko ang isang babae na may maigsing buhok na kumakaway sa amin. "Si Gia ba yan? Ang ganda pala sa personal."

"May boyfriend yan." Napailing nalang ako sa mga sunod na sinabi ni Ryan. Niyakap ako ni Gia at Riley ng makalapit ako. Sunod naman ay sila Kaloy, Christian, Mykel at si Paui. Ang akala ko nga si Gia at Riley lang ang susundo sa'kin. Sumama pa pala silang lahat.

"Kamusta na, Ali? Long-time no see ah! Boyfriend mo?" tanong sa akin ni Paui, napatingin naman ako kay Ryan at napataas ang kilay ko.

"Kaibigan ko yan, Oo nga pala. Ryan, mga kaibigan ko." Isa-isa kong pinakilala sila kay Ryan.

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon