Mabilis talaga ang panahon lalo na pag-madami kang ginagawa. Sabado na ngayon at paalis na kami ni Davian sa condo dahil may practice kami ngayon. Sumama pa sa amin si Benj dahil gusto niya daw manood.Simpleng plain white shirt lang ang sinuot ko at black leggings. Nag-suot din ako ng black na jacket dahil malamig sa auditorium. "Ang dami palang magaganda dito sa school niyo!" Napalingon ako kay Benj na ngiting-ngiti tuwing may dumadaan na babae.
"Flirt." pabulong na wika ni Davian at palihim naman ako natawa
"Narinig ko yun, Alcaraz!"
"Bakit sinabi ko bang hindi mo narinig?" Sumimangot nalang si Benj. Tanaw ko na ang auditorium at mukhang namangha si Benj sa laki neto. Pagkadating namin sa auditorium ay agad ako hinatak ni Layla.
"Alannis, ngayon pa lang mag-sosorry na ako." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Layla. May nagawang kasalanan ba siya sa akin?
"Bakit?"
"I didn't know na kasama siya sa cast I-"
"Alannis." Napalingon ako sa pinangalingan ng boses. Nanigas ako sa kinatayuan ko ng makita ko siya. Madaming nag-bago sa mukha niya, nagpakulay siya at tumangkad siya. Malamig ko lang siyang tinitingan at ko siya pinansin at humarap ako kay Layla.
"No, it's okay. I'll try my best to stay professional." Ngumiti nalang bago ako umalis at hinanap yung dalawang lalaki. Saan ba nagsisisuot yung dalawang yun at hindi ko sila makita. Matapos ang halos limang minuto ng paghahanap ay nakita ko na din sila.
Nakaupo silang dalawa sa isang sulok at binabasa ang script. Katabi niya si Benj na busy mag-cellphone. Napa-angat naman siya ng tingin ng tabihan ko siya.
"Oh? Bakit parang binagsakan ka ng langit at lupa?" Hindi ko siya pinansin, tahimik lang ako nakatingin sa sahig.
"Hoy, Alannis." Pinitik ni Davian ang noo ko.
"Aray! Ang sakit noon Davian." Sinamaan ko siya ng tingin at tinawanan niya lang ako.
"Bakit ba ganyan mukha mo?! May umaway ba sa'yo?" Tanong ni Benj at bumuntong-hininga naman ako.
"I saw Paul." Nagkatinginan silang dalawa at sabay kumunot ang noo.
"Sino si Paul? Siya ba yung umaway sa'yo? Gusto mo resbakan natin?" I glared at Benj at tinaas niya naman ang kamay niya.
"No. Paul is my ex." Lumingon-lingon siya sa paligid bago binalik ang tingin sa akin.
"Let me guess, Paul is that creepy guy na kanina pa nakatingin sa atin. Ayun oh." Pa-simpleng turo ni Benj at lumingon naman ako.
"Yeah."
"Ang panget naman ng taste mo sa lalaki." Natatawang wika ni Benj kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Feeling gwapo, amp*ta." Umiwas ng tingin si Paul.
"Mas gwapo naman tayo doon di'ba Alannis?" Tanong ni sa akin ni Benj na hawak pa ang kamay ko.
"Oo nalang!"
"Hindi ko pa rin gets kung bakit mo pinatulan yang Paul na yan? Mukha namang f*ckboy."
"Alam ko! Kaya nga nag-break di'ba!"
"Bakit ba kayo nag-break?" Tanong naman ni Benj.
"He's a cheater." Nag-"ooh" naman si Benj.
"Ang meant to be niyo talaga isispin niyo pareho kayong niloko" Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Umalis ka na nga, Benj! Hindi kami makakapag-focus dito sa play."
![](https://img.wattpad.com/cover/224101370-288-k610187.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomantiekSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...