Chapter 16

43 4 0
                                    


Bukas na ooperahan si Davian. Nasa simbahan kami ngayon at kasama namin si Benj para mag-simba. Pinagdadasal ko talaga na sana maging maayos ang operasyon ni Davian bukas. "Saan niyo gusto kumain?" Tanong ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan.

"Saan ba masarap?"

"Madami." Nakarating na kami sa sasakyan at umupo na ako sa shotgun seat at si Davian naman ang mag-dadrive.

"Saan nga?"

"Alam ko na!" Binulungan ni Benj si Davian at napakunoot naman ang noo ko.

"Sige, doon nalang tayo. Gutom ka na ba?" Umiling ako. Halos 30 minutes ang byahe namin papunta doon sa restaurant. Tinatanong ko sila kanina pero hindi naman nila ako binibigyan ng matinong sagot. Para siyang malaking kubo. Pumasok na kami sa loob at nag-hanap ng pwesto. Marami-rami ang taong kumakain. May menu sa table at may mga sizzling sila, mga tapsilog and many more. Magkatabi kami ni Davian samantalang nakaupo naman sa harapan namin si Benj.

"Ano order niyo?" tanong ko, habang binabasa ang menu.

"Masarap yung pares at bulalo dito, Ali."

"Sino nagsabi sa'yo pwede mo siyang tawaging, Ali?" Nag-angat naman ako ng tingin sakanilang dalawa.

"Bakit? Hindi pwede?"

"Hindi. Ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng Ali, okay?" Bumuntong-hininga nalang ako. Napansin ko nga na simula na tawagin niya akong 'Ali' ay hindi na ako tinatawag na Ali nila Gia.

"Oo nalang. Ang protective naman ng boyfriend." Lumapit na samin ang waiter para kuhain ang orders namin. Sizzling tenderloin ang inorder ko, si Davian naman sizzling pork sisig at si Benj naman ay tapsilog naman. Umorder din sila ng Bulalo para may sabaw daw kami at coke para sa drinks. Libre ata ni Benj.

"Ang sarap!" wika ko at nag-patuloy sa pagkain.

"I knew you would love it here."

"Ginagawa niyo na naman akong third wheel." Napakamot pa sa ulo si Benj.

"Bakit? Sinabi ba namin na sumama ka? Ikaw din e, panira ka ng date."

"Sige, mag-grab nalang ako pauwi. I-enjoy niyo ang araw niyo ngayon." Natuwa naman ako.

"Yiee. Thank you Benj! Lilibre kita sa birthday mo promise!"

"Talaga? Promise yan ah! Bibilisan ko na nga para makapag-date na kayo." Nanlaki ang mata ko ng binilisan niya talaga ang subo niya.

"Ano ba yan, Benj! Dahan-dahan lang. May hinahabol lang?" wika ko.

"Oo. "wika ni Davian sabay ngisi at natawa naman ako.

"Oo nga noh!? Baka naman kaya mo lang binibilisan ay dahil-"

"Kain lang, Alannis." Nanlaki yung mata ko ng sinubuan niya ako ng togue. Kinain ko nalang at uminom ako ng tubig.

"Grabe ka, parang di naman namin alam yun." Natatawa kong wika.

Natapos kami at umalis nga si Benj. Sumakay na kaming dalawa sa sasakyan.

"Saan tayo?"

"Saan mo ba gusto?" Gusto ko sana pumunta kami ni Davian sa isang kung saan ma-eenjoy ni Davian yung lugar na yun.

"Let's go to the beach?" I smiled at tumango. Alam ko kung saan na kami pupunta. May resort sa Batangas sila Davian at doon kami pupunta. We were holding each other's hand, and there's a part of me na ayaw ko siyang bitawan dahi sa takot. Walang permante sa mundo. Wala ding kasiguraduhan sa mga maaring mangayri bukas. Napalingon ako kay Davian at hindi ko maiwasan maalala ang pinagdasal ko kanina.

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon