Chapter 41

43 4 3
                                    


"Love! Buksan mo yung pinto natatae na ako." Rinig ko mula sa shower ang boses ni Davian at ang malakas na katok niya sa banyo. Napakunot ang noo ko ng maintindihan yung isinisigaw niya.

Ano daw? Natatae siya? "Naliligo ako!" Napalingon ako doon sa may pintuan, bakit ngayon pa? Kung kailan naman ako naliligo atsaka naisipan netong ni Davian tumae.

"Sige na, hindi ko na kaya!" Napairap naman ako, baka mamaya doon pa siya sa room namin tumae.

"Ugh, fine. Huwag mo ako sisilipan." Pinatay ko muna yung shower bago ko binuksan yung pinto.

"Binuksan ko na. Wag ka muna papasok nakahubad pa ako." Bilin ko sa kanya, saktong pagbukas ko ng shower ay narinig ko na din ang pagbukas ng pinto.

"Hoy, ang baho! Ano kinain mo, Alcaraz?" Napatakip tuloy ako sa ilong ko kahit naliligo ako. Kakaiba ang baho ng tae ni Davian, alam ko na may mahahandle ako ng mga ganito in the future kaso iba talaga eto.

"Ang arte."

"Mabaho naman talaga, bilisan mo na nga."

"Sige na, sige na. Bilisan mo din ang paliligo at maliligo na din ako. Madami pa tayong pupuntahan." Hindi na ako nagsalita at naligo nalang. Narinig ko naman ang pag-flush ng toilet, mukhang kakatapos lang mag-hugas.

"Hoy, mag-hugas ka ng kamay! Hay nako, Alcaraz!" Napailing nalang ako parang bata ang kausap ko, akala mo hindi engineer.

"Yes, Mommy!" Kakatapos ko lang maligo at kinuha ko na yung towel, nakita ko si Davian na nakatingin sa'kin sa salamin.

Agad din siya nag-iwas ng tingin at napangiti naman ako. Tumabi ako sa kanya para magsipilyo. Palihim akong sumulyap sa kanya at napangisi, namumula siya ngayon at halatang di makapag-focus sa paghugas ng kamay.

May 15 minutes na kasi siya diyan. Di pa siya natatapos. Pinatay ko na yung gripo at napatingin sa'kin si Davian.

"You're cheeks are so red, love." Natawa ako ng mas lalo siyang namula.

"W-What do you mean? I'm not."

"Ang cute mo." I giggled.

"Alannis, stop it."

"You want to shower with me but look at yourself, naka-tuwalya palang ako namumula ka na. What more if you see me naked." I raised a brow.

"I'm not blushing, lumabas ka na nga maliligo na ako." I messed up his hair and teased him more para mas lalo siyang nainis. Umalis na din ako agad dahil baka ma-badtrip i-cancel lahat ng pupuntahan namin.

Nakabihis na ako, I wore a white halter top and black square pants. Pinatungan ko pa ng trench coat and, I'm planning to wear a pair of black flats, nag-suot din ako ng bright red lipstick at naglagay lang ako ng onting powder.

Kinuha ko ang black beret ko at inilagay muna sa may dresser at nagpaputyo muna ng buhok ng makita ko na may nag-notif sa phone ko. Napakunoot ang noo ko ng may unknown number na nag-message sa'kin. Hindi ko eto pinansin at nagpatuloy nalang sa pagsuklay.

Tapos na ako magpatuyo ng lumabas ng banyo si Davian. Abala siya sa pagtuyo ng buhok niya, ang haba na talaga ng buhok niya. He somehow remind me of Conan Gray, one of my favorite artist.

"Why are you looking at me like that?" Nagkibit-balikat lang ako at niyakap ko soya sa may likuran niya. Ramdam ko ang lamig ng katawan niya dahil bagong ligo.

"Bakit ka naglalambing?" Hinawakan niya ang braso ko at hinaplos.

"Hindi ba pwede?" sagot ko.

"Cuddle me as long as you want, I don't care."

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon