Nagising ako at parang ang bigat ng pakiramdam ko at ang init-init ng balat at ng loob ko. Nakakaramdam din ako ng onting pagkahilo. Umupo ako sa kama at sinalat ang noo ko. Parang ang init ko nga.
"Alannis." Lumingon ako sa may gilid ko at nakita ko si Davian na may hawak-hawak na thermometer. "Ano yan?" Napahawak ako sa lalamunan ko, medyo minamalat ako.
"Ganyan ba ang side effects ng pagpapulan? Nagiging bulag na? Ano ba sa tingin mo?" Umirap ako at kinuha yun at inipit sa kili-kili ko.
"Malinis ba eto?"
"That doesn't matter. Besides nalagay mo na sa kili-kili mo." Nagulat ako ng bigla sinalat ni Davian ang leeg at noo ko.
"You're hot." Kumunot naman ang noo ko.
"I mean, you're burning. I...mainit ka!" Tumunog na ang thermometer at inabot ko yun kay Davian bago ako humiga ulit.
Ang sama ng pakiramdam ko gusto ko ulit bumalik sa pagtulog. Kumunot naman ang noo niya habang nakatingin sa thermometer. "Mataas ang lagnant mo." Inabot sa akin ni Davian ang thermometer at nanlaki ang mata ko.
39.8
Umupo ulit ako at tiningan ng maayos. 39.8 nga. Hihiga na sana ulit ako ng batukan ako ni Davian ng malakas. Sumakit tuloy ang ulo ko. "Aray ko! Bakit ka ba ng nambabatok? Alam mo naman may sakit ako eh." Humiga na ulit ako at tinalikuran siya.
"Ikaw kasi matigas ang ulo mo. Kung hindi ka lang sana nagpaulan edi sana hindi ka lalagnatin." Hindi ko siya pinansin at pinikit ko nalang ang mata ko.
"I'll cook you mushroom soup para mas gumanda ang pakiramdam mo. You didn't even eat breakfast."
"What?"
"Hindi ka kumain ng almusal. It's already 12 pm."
"Bakit hindi ko ako ginising?" I pouted.
"Ayaw mo mag-pagising. Kanina pa kita ginigising ayaw mo talaga, nag-iingay na nga si Benj wala pa rin. You're such a heavy sleeper when you're sick." Sumimangot ako at tumango nalang. Si Benj ang tumawag sa'kin para kumain, may fried chicken at yung mushroom soup. Tinabihan pa ng ako ni Davian ngayon dahil palagi siya katapat pagkumakain.
"Say ahh." Kumunot ang noo ko at iniwas ang mukha ko. Ano ako baby? May kamay naman ako bakit niya ako susubuan? "I'm not paralyzed. I can do it myself." Aagawin ko na sana yung kutsura pero iniwas ni Davian yung kutsara ko.
"Hindi pwede. Susubuan kita sa ayaw at sa gusto mo."
"H-Hoy bawal, SPG dito. Ano isusubo mo ha? Davian?" Sinamaan namin ng tingin si Benj at tumawa lang siya at kumain ulit.
"I can do it myself, Davian."
"No." Hindi ako mananalo sa lalaking eto. Ngumuso nalang ako at tumango. Hinayaan ko nalang siya nasubuan ako. "Paano ka? Hindi ka ba kakain?" Tanong ko.
"Mamaya nalang, pagkatapos mo."
"Kumain ka na. Ako na ang mag-susubo mag-isa." Wala na siyang nagawa ng agawin ko ang plato sa kanya.
"Alam niyo bagay kayo." Nabulunan ako sa sinabi ni Benj kaya gad ako kinuhanan ni Davian ng tubig.
"Benj-"
"What? Sinabi ko lang naman na you guys are compatible. You're both single naman, right?" Nagkatinginan kami bigla ni Davian.
"Stop spitting nonsense, Benjamin."
"I'm not spitting nonsense, Davian. I'm stating facts and since when ako nagkamali sa mga hula ko? Remember yung mga classmates natin sa US? Diba hanggang ngayon sila pa rin." So Benj is a little matchmaker, huh?
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...