Chapter 11

56 4 1
                                    


"A-Ano?" Nabingi ako sa narinig ko.

"He was diagnosed with cerebral aneurysm last year." Cerebral Aneurysm? May tama siya sa utak? Since when? Bakit? Parang pinipiga yung puso ko yung pakiramdam na may cramps ka pero nasa puso. Hindi ko maintidihan kung bakit ganito yun sakit na nararamdaman ko.

"Please, tell me your joking. Please, Benj prank lang eto diba?" My voice cracked a bit. Pinaprank lang ako ni Benj di'ba? Hindi naman totoo yun di'ba? Hindi ako makapaniwala. I'm lost for words.

"Sana nga prank lang eto. Sana nga panaginip lang etong lahat, Alannis. Pero hindi e." Nararamdaman ko na naman ang maiinit na liquido na pilit tumutulo sa mata ko. Pero ayaw nila tumulo. Alam kong umiiyak ako pero ayaw tumulo ng mga luha sa mga mata ko. Hinimas naman ni Benj yung likod ko at binigyan niya ako ng tubig. Umupo muna kami sa isang sulok habang iniintay ang doktor.

"Alam ba ng mga magulang niya?" Alam kong namamaga ang mata ko pero lakas loob ko pa rin hinarap si Benj. Bakas sa mata niya ang lungkot ngunit mapait pa rin siyang ngumiti.

"Yeah. He actually requested his freedom. Gusto niya maransan mamuhay ng mag-isa lang siya." Hindi ko inaasahan na nagsitulaan na ang mga luha ko. Inabutan pa nga ako ni Benj ng panyo. Kahit kinakagat ko ang labi ko at hindi nawawala sa loob ko ang pagalala kay Davian. I mean he kept this from me, I respect his privacy pero sana naman he told me.

"Alannis, calm down. Baka mamaya kung ano na mangyari sa'yo" Tumango ako at kinuha ang bote mula sa'kanya. Naramdaman ko ang lamig ng tubig ng makainom ako para kumalama ng onti.

"W-Why didn't he tell me anything? Bakit hindi mo sinabi sa'kin?"

"He asked me to keep it a secret. He didn't tell me why. Bakit hindi siya ang tanungin mo?" Nagpakawala ako ng malalim na pag-hinga.

"Sino ang pamilya ni Mr. Alcaraz?" Napatayo kami ni Benj at nagkatinginan.

"They're on their way po. I'm his best friend and she's his girlfriend." turo sa'kin ni Benj. Hindi nalang ako maka-react. Normally ay itatangi ko yun. Pero nawalan ako ng lakas at hindi ako makapagsalita.

"I'm his Mother, where is Davian? Nasaan ang anak ko?" Napalingon kami sa likuran namin.

Nakatayo ang isang mag-asawa. Davian's parents. I've met them before pero matagal na yun. Elementary pa ata ang huli kong kita sa kanila. "Kamusta ang anak ko?" wika ng tatay ni Davian, Mr. Alcaraz.

"Mr. and Mrs. Alcaraz, I'm going to be honest with you. Based on the tests we've conducted, lumaki yung blood cloth sa utak niya."

Hindi agad nag-sink in sa akin ang sinabi ng doktor. Natulala lang ako sa sinabi niya. Pa-simple akong tinapik ni Benj bago ako natauhan. "Ibig sabihin..." My voice was shaking even my legs are shaking as well. Malamang kanina pa ako natumba kung hindi lang ako inaalalayan ni Benj.

"He needs immediate surgery." Umupo muna ako sa utpuan.

"That's the problem, doc. Matagal na po namin siya pinipilit magpa-opera pero masyadong matigas ang ulo niya." Napalingon ako kay Benj dahil sa sinabi niya.

Ano? Ayaw magpa-opera ni Benj? Bakit? Does he have a death wish? Ayaw niya na ba mabuhay? Bakit? I looked at his parents and seeing their reactions tore my heart in pieces. Kahit wala kang makitang luha sa mga mata nila alam mo yung sakit. Kitang-kita mo sa expression at sa mga mata nila.

"Kung ganon, kailangan niyo siya kumbinsihin. He might die."

"What happens of the surgery is not successful?" Tanong ng papa ni Davian.

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon