Alam na nila Kaloy at Christian ang nangyari dahil sinabi ko na sa kanila kanina. Dinayo nga nila ako dito sa Batangas at nag-meet lang kami sa Starbucks na malapit lang kung saan kami tumutuloy ni Davian.
"Kaano-ano mo ba yang si Davian?" Tanong ni Kaloy. Uminom muna ako sa iced coffee ko bago ako huminga ng malalim. Well, Davian is an annoying jerk, yung lalaking nakipagagawan sa akin ng toyo and the guy who saved me.
"He's Alannis' fiancée."
"No, he's not my fiancé." I quickly denied.
"Then, who is he?"
"Davian's my fubu." wika ko.
"What the fuck, Alannis!" sigaw sa'kin ni Kaloy. Napatingin tuloy sa amin ang ibang customers! Nakakahiya at nag-sorry naman si Kaloy. Nasamid naman sila Gia at Riley sa sinabi ko ay napatulala naman si Christian sa akin. Ang OA ah, ano ba meron kung may fubu ako? Sila din naman siguro may frenemy.
"Why? He's my fubu. What's wrong with that?" Nagtataka kong tanong. Ano ba masama sa pagiging mag-fubu? Ang sabi naman ni Davian mag-frenemy kami eh.
Ibang word lang ang fubu sa frenemy. Mas sosyal daw pero ang pinagtataka ko hindi ko naman napagaralan yan before.
"Do you even know what fubu means?" Riley asked me.
Tumango naman ako at napanganga silang apat. Sabay-sabay nga sila gusto ko sana picturan kaso wag nalang.
"Yes. It's another term for frenemy, right?" Malakas naman natawa si Kaloy at Gia parang nabunutan naman ng tinik si Riley at napasapo naman sa mukha si Christian.
They're acting weird. Ano ba meron? "So hindi kayo...nag-ano..."
"Huh?"
"Made love..."
"Made what?" Gulong-gulo kong tanong.
"Wag niyo na niyo na nga i-sugarcoat! They mean sex, Ali." Nanlaki naman yung mata ko nung marealize ko kung ano ibig nilang sabihin. I would never! Why would I...do that thing with Davian? Hindi naman kami close non!
"Nababaliw na ba kayo? Of course not, alam niyo naman naghihintay pa ako ikasal, di'ba?"
"Mabuti naman! Akala ko gumagawa na kayo ng milagro."
"He's not even my boyfriend. Who knows baka may STD siya. Bakit ba ganyan kayo maka-react?" Naguguluhan kong tanong.
"Alannis, fubu means fuck buddies." My jaw dropped. Marahan akong napapimot at napasahe sa sentido ko.
My virgin ears! Fuck that Davian! Nakakainis! This is so embarrassing. That jerk tricked me! Humanda sa'kin ang Davian na yun mamaya! Makakatikim talaga ng suntok yung lalaki na yun sa'kin. I swear mapapatay ko talaga siya sa inis ko.
"That jerk." I whispered.
Kanina ko pa siya minumura sa isipan ko. Nakakainis talaga. Mabuti nalang sa friends ko lang sinabi. What if kay Papa ko sinabi yun? Edi pinalayas na ako. Tinawanan lang nila ako dahil uto-uto daw ako. Instead na kampihan ako ay inasaar pa ako.
"Ang inosente mo naman! Hindi ba talaga obvious na ang meaning ng Fubu ay fuck buddies?" wika ni Riley at napa-irap ako.
"How should I know? I'm not like the four of you." mataray kong wika.
"Ouch. You're hurting our feelings!" natatawang wika ni Christian at napairap naman ako.
"Totoo naman kasi."
"Ang sabihin mo hindi ka lang kasi nakakita ng et-"
"Ano ba Riley! Bunganga mo, Ang bastos." Agad ko pinutol ang sasabihin ni Riley at napatakip pa sa tenga. Wala talagang preno yung bibig ni Riley. Mabuti nalang at hindi siya naririnig nung ibang customer dahil nakakahiya! Napahiya na nga si Kaloy kanina baka palayasin na kami dito mamaya.
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...