"Ibalik mo na sa'kin, Ry!" wika ko habang inagaw mula sa'kanya ang earphones ko.
"Damot."
"Share nalang kayo ni Zang." Sinandal ko na ang sarili ko sa utpuan bago sinuot ang earphones at sumandal kay Davian.
"Yuck."
"Ano sabi mo?"
"Wala hehe. Share tayo." Napangisi naman ako sa kanila.
"Ewan ko sa'yo."
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Sa resthouse nga namin."
Sinadal ko na ang ulo ko kay Davian na natutulog at nakasandal ang ulo sa may sasakyan. Nagising ako ng maramdaman na huminto ang sasakyan. Pagkagising ko ay tulog pa rin si Davian na nakasandal pa ang ulo sa ulo ko. Dahan-dahan kong tinapik yung braso niya para magising siya.
Pagkababa ko ng sasakyan ni Max ay nag-inat pa ako, sayang talaga at kulang kami. Wala yung mga mag-asawa sa'min. Nag-house tour muna si Max at may pagka-retro style yung resthouse nila Max. Halos magkasing laki yung resthouse nila sa bahay talaga nila. Dumeritso na kami ni Davian sa kwarto namin at nagsimulang mag-unpack, hindi naman kami siguro masusundan ng stalker ko dito unless isa siya sa mga kaibigan ko. Which I highly doubt. Pagkatapos ay lumabas na kaming dalawa at tumambay muna sa living room kung nasaan silang lahat, sila Elaizah at Gia nalang ang iniintay namin.
"Gusto niyo mag-swimming?" Tanong sa amin ni Max ng makita na kakadating lang nila Zang.
"Sure, why not? May pool kayo?" Sunod-sunod na tanong ni Ryan. Umiling naman ai Max.
"May malapit na ilog dito tapos may waterfalls pa, pwede kayong mag-dive. Ano G?" Napalingon naman ako kay Davian at napansin ko na kanina pa siyang walang imik.
"Okay ka lang ba, love?" Ngumiti siya at tumango bago tumayo.
"Ano, kuha na tayo ng susuotin natin?" Tumango ako at sinundan siya papasok sa kwarto at kumuha ng pangpalit. Namention din kasi ni Max na parang mag-hihiking na din kami dahil medyo malayo yun.
"Safe ba doon?" Nag-aalangan tanong ni Gia na yakap-yakap ang braso ni Benj.
"Oo, wag kayo mag-alala. Ako ang bahala sa inyo. Dahil gubat din yan, kailagan pa rin mag-ingat."
"Hala! Baka isa-isa mo kaming patayin ah? Di'ba, ganon naman talaga yun sa mga palabas at sa stories sa Wattpad? Nasa bakasyon yung magkakaibigan tas isa-isa silang mamatay-" Hindi na naituloy ni Ryan ang sasabihin niya ng malakas siyang batukan ni Zang, ako na sana ang babatok na unahan niya lang ako. "Aray, ha!"
"Bobo! Kakanood at kakabasa mo yan ng kung ano-ano. Hindi yon totoo, mukha bang serial killer yang si Max?" Grabe si Max agad, kawawa naman si Max.
"Malay mo!" Ako na ang bumatok kay Ryan.
"Baliw, halika na nga. Iwanan nalang natin si Ryan." Nagsimula na kaming maglakad at naramdaman ko nalang na nasa tabi ko na si Ryan. Mapayapa lang kaming naglalakad at tanging ang ingay lang ni Benj at Ryan ang maririnig mo. Paminsan-minsan ay sasabat si Max at Davian sa kanila.
"AHAS!" Napatalon ako ng biglang sumigaw si Zang. Nagtago lang ako sa likod ni Davian dahil may takot ako sa ahas.
"AHHHHH!"
"CARRY ME BABE! HUHU." Nagpabuhat pa si Gia kay Benj na halatang natatakot din. Kung hindi lang ako takot sa ahas ay pinagtawanan ko na silang dalawa eh.
"Relax, ako bahala." Mahinahon na wika ni Max na dahan-dahan lumapit doon sa ahas, ang tapang niya.
"Max. Be careful, baka tuklawin ka."
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...