"Hindi kita pipilitin. Just visit him, just this once." Nasa coffee shop kami ngayon ni Paui. Nag-text ako sa kanya kanina lang para makipagusap ng maayos. Ayoko kasing lumaki yung gulo. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin dahil lang doon. Ngayon malamig na ang utak namin ay makakapagusap kami ng maayos.
Mabuti nga at nagising ako ng maaga. I was drunk and wasted yesterday. Mabuti nalang at nandoon sila Davian at Benj. Hindi ko masyadong natandaan ang nangyari kagabi.
"Fine." I smiled.
"Thank you." Umalis na kami at nag-drive si Paui papunta sa ospital.
"Si Davian?"
"Nasa condo, sinamahan lang ako dito pero may gagawin din sila ni Benj." Tumango naman siya. Dumating na kami at medyo kinakabahan ako.
"Pumasok ka na."
"Kinakabahan ako." My hands are literally shaking.
"Kaya mo yan, Iintayin kita sa labas." I opened the door and saw Paul there. He was sleeping there. He was wearing a blue beanie dahil wala ng buhok sa ulo niya. Nagising siya at ngumiti sa'kin.
"A-Alannis..."
"Huwag ka ng tumayo." Umupo ako sa tabi niya.
I hate to see him like this. Kahit sinakatan niya ako. He's still human, after all. Bound to make mistakes. "B-Bakit ka pumunta dito? Pinapunta ka ba ni Paui? Sabi ko naman sa kanya na huwag ka na pilitin." Umiling naman ako.
"Kusang loob ako pumunta dito. Bakit mo naman pinabayaan ang sarili mo?"
"Mahal na mahal kita, Alannis and I regret the moment I cheated on you. I thought may pagasa pa pero you're already gone, you're already in the arms of a another guy. I'm so sorry, Ali. I'm sorry for hurting you. I'm sorry because I tried to kiss you."
"I forgive you, Paul." I gave him a small smile.
"Thank you, Alannis. I don't think I deserve it though."
"I can't live with this hatred forever. You should also learn to forgive yourself. Pwede ka pang mag-bago."
"I wish I knew that pero huli na nung na-realize ko yun. I was getting drunk and smoked. Huli na ng narealize ko na imbes na magmukmok ako ay dapat pala ginawa ko ang lahat para mapatunayan sa'yo na handa ako magbago at nagsisi ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa'yo."
He was crying, I've never seen him cry before. "Sana pala imbes na sinira ko ang buhay ko ay ipinakita ko sa'yo kung gaano ako nagsisi, but I was too late." Hinawakan ko naman ang kamay niya at pinisil.
"Makakahanap ka din ng taong magmamahal sa'yo. Kung sino at kung ano ka man. Huwag kang magbago para sa iba, magbago ka para sa'yo, para sa ikakabuti mo." I smiled at him pero umiling siya.
"I don't think I deserve to be love, siguro eto ang parusa sa akin. Madami akong kasalanan sa'yo at lalo na sa kapatid ko. Alam ko naman nung una palang na may gusto siya sa'yo pero niligawan pa rin kita."
"Everyone deserves to be loved, Paul."
Davian's Pov
"Saan kaya pupunta si Alannis?" curious na tanong ni Benj.
"Tsk. Chismoso."
"Luh. Tinatanong lang naman, bakit alam mo ba?" Tanong niya sa akin.
Tinanguan ko naman siya. "Nagpaalam siya sa akin kanina." Hindi ko naman nakikita kung bakit kailangan niya magpaalam sa akin.
"So? Saan nga?"
"Bakit ko sabihin sa'yo?" Napataas ang isa kong kilay ng ngumisi si Benj, nababaliw na ata.
"Feeling ko alam ko na kung saan, binisita niya yung ex niya no'!"
"Ex niya yon?" Nagtataka kong tanong.
"Bakit interesado ka malaman?" Napapikit ako at napahawak sa sentido ko, naramdaman ko naman na lumapit si Benj sa'kin. Sasagot na sana ako ng tumunog yung telepono ko
"Hello?" Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses ng isang lalaki. Parang pamilyar yung boses sa kabilang linya?"Sino toh?" Nagtataka kong tanong. Bakit na sa'kanya ang phone ni Alannis?
"Davian? Ikaw ba yan? Si Collin eto, kasama ko si Gray at El." Ah! Magkakasama pala silang tatlo? Kulang ata sila, nasaan kaya si Ione?
"Collin? Bakit na sa'yo ang phone ni Alannis?" Para akong kinabahan bigla.
"S-She's in the hospital, right now."
"What?"
"She got hit by a car."

BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...