Mga 8 am ako nagising, I'm really hungry. Hindi ako nakapag-dinner kagabi. It's not like hindi ako sanay na hindi kumakain. Nag-suot ako ng oversized black hoodie at sweatpants. Alam ko na nasa labas si Davian at kumakain or nagluluto ng almusal. As much as possible I don't want to start a conversation with him.
"Morning." Bati niya.
"Morning." Sinuot ko na ang sapatos ko at naglakad papunta sa pinto.
" Where are you going? Aren't you going to eat first?" I turned to him and gave him a small smile.
"No thanks. Wag ka na din magtira if may balak ka and it doesn't concern you kung kakain man ako o hindi or kung saan man ako pupunta. We're just two strangers sharing a condo unit." Tinalikuran ko na siya bago ako lumabas at dumeritso sa gym.
Kagaya ng nakagawian, I did my warmup routine. It feels extra hot inside them gym or is it because I wore a hoodie? I'm feeling exhausted already but I still need to finish this workout. Huminto muna ako para kuhanin ang tubig. Napahinto ako makaramdam ako ng hilo. Umikot ang paningin ko at ramdam ko ang pares ng braso sa likuran ko. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya.
"Careful, love." He's voice sounded so sweet and soft that my eyes instantly closed.
I opened my eyes at nakaramdam ako ng kaunting sakit sa ulo. "Gising ka na? Good. Kumain ka na. I'm running late on my meeting." Napahawak ako sa ulo ko.
"What?..." Nandito na ako sa sofa ng living room ng unit namin.
"I said eat. You're starving yourself. Tumangkad ka nga ang laki naman ng pinayat mo." Nagkasalubong ang pareho kong kilay.
"Are you insulting me?" Tumaas naman ang isa niyang kilay.
"Bakit? Tinamaan ka ba?" I scoffed in disbelief.
"Ano? Hindi ka ba kakain? Gusto mo ba subuan pa kita?"
"No, thanks. I'm not hungry."
"You passed out because you starved yourself, hindi ka kumain ng dinner and breakfast tapos nag-hardcore workout ka. Magdodoctor ka niyan?" Sinamaan ko naman agad siya ng tingin.
"Paano mo nalaman na nasa gym ako?"
"May pupunta ba sa meeting na ganyan ang suot?" Umirap nalang ako at kinain nalang ang pagkain sa plato. Nanatili lang siyang nakatayo sa isang gilid kaya tinaasan ko siya ng kilay.
"Bakit? Akala ko ba may meeting ka?"
"I cancelled it."
"Ano?" Hindi ko narinig yung sinabi niya dahil hininaan niya.
"Kumain ka nalang diyan ng kumain. Nagmumukha kang chipmunk."
"Umalis ka na nga."
"Not until you finish your food." I groaned at nagpatuloy nalang sa pagkain. He still hasn't changed at all. He's still stubborn.
"Tapos na ako, pwede ka na bang umalis?" Niligpit ko na ang pinagkainan ko at didiretso na sana ako ng kinuha niya sa akin ang plato.
"Ako na."
"Kayo ko naman e." Kinuha ko ulit sa kanya yung plato. Tumaas naman ang kilay niya at kinuha ulit sa akin.
"No, akin na!" Nagagawan kami hanggang sa nabitawan namin yung plato.
"Look what you did!"
"Ako?" I scoffed.
"You should have gave it to me kasi. Sana hinayaan mo nalang ako." Sinimulan ko pulutin ang platong nabasag.
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...