Maaga ako umalis ng condo para mag-aral ulit sa study hub. Wala naman kaming quiz or exam ngayon. Gusto ko lang magbasa dito magisa.Nagtatampo ako sa kanilang lahat. Nakaktampo talaga. It's already 5 am pero wala pa rin nag-memessage sa akin ng happy birthday. Kahit isa! To be fair, maaga pa naman, But, nakakapagtaka lang dahil usually maaga talaga nila ako binabati.
Kahit si ate Allaica! Mga 12 am binabati na ako noon pero ngayon wala. I was sipping my morning coffee while scrolling to my social media. "I can't believe they forgot my birthday."
"Mind if I sit here?" Hindi ako kumibo at nagpatuloy lang sa ginagawa ko.
"Alannis, I'm sorry about your boyfriend. Natagalan nga lang dahil you refuse to contact me." Matagal na nga pala ang huli kong kita sa kanya. He decided to quit sa play kaya may pumalit sa kanya.
"I want to say I forgive you but you know I hate lying." Sinulyapan ko siya saglit bago ko binalik ang tingin ko sa phone.
"Happy Birthday, Alannis." Napangiwi ako sa sinabi niya. At least someone remembered.
"Thank you." Matamlay kong wika.
"Aren't you happy?"
"You're the only one who remembered my birthday."
"Why? You're so-called boyfriend forgot?" Tinaasan ko naman siya ng kilay."Alam mo, mas pipiliin ko na lang na makalimutan ng boyfriend ko yung birthday ko kesa makalimutan niyang may girlfriend siya." I left him there at kinuha ko ang gamit ko.
Mabilis natapos ang araw and I was right. Everyone forgot my birthday. Magkakatabi kami ni Gia at Riley buong araw pero hindi man lang nila ako binati. "Bye, Ali!" Kaway sa'kin ni Gia at kumaway naman ako sa kanya pabalik.
Kanina pa umalis si Riley dahil sinundo na siya ng Papa niya para sa family dinner nila. I decided to go to the mall to treat myself. A little pamper day para mabawasan naman yung lungkot ko. Umuwi muna ako mg condo at wala yung dalawa baka umalis na.
I wore a white turtle neck t-shirt at nag-black skinny jeans at white shoes ako. I wore a gold necklace, it has a 'A' for its pendant. Si Davian ang nagbigay sa'kin neto. He gave this to me on our first monthsary. Tumawag na ako ng grab at pumunta na ako sa nail salon para magpa-manicure at pedicure. Bumisita din ako sa derma ko. They gave me a discount dahil birthday ko. Pauwi na ako ng nakatanggap ako ng text message kay Layla sa GC namin.
Layla: Attention everyone, we have an emergency meeting. Please go to the location I sent you. Be there before 9 pm. That's all, thank you!
Napataas naman ang kilay ko sa nabasa ko. Saan daw? I clicked the link at nagtaka ako kung bakit sa hotel. I have a gut feeling kung bakit doon pero ayoko naman mag-assume. Nagkibit-balikat nalang ako at sumakay na ng taxi papunta doon sa hotel. Bakit kailangan pa sa hotel? Bumaba na ako at tinawagan ko muna si Layla. Wala naman siyang sinabing exact location kung saan sa hotel.
"Hi Alannis! Nandito ka na ba?"
"Yeah, I'm here. Saan ba yung meeting?"
"Teka, susunduin kita! Wait for me sa lounge." Binaba na ni Layla ang tawag at pumasok na ako sa loob at umupo nalang ako sa sofa.
I just scrolled throught my instagram. Ang tagal naman ni Layla. Nasaan na ba yung babaeng yun? May nag tap ng shoulder ako kaya napalingon ako. "Kanina ka pa diyan, Ali?" Umiling ako at ngumiti.
"Let's go?" Tumango naman ako at hinila na ako paalis ni Layla.
"Nandiyan na ba yung iba? Baka late na ako ah."
"Yeah! Don't worry maaga pa naman e. Hindi ka pa-late." Ako nalang ata ang iniintay.
"Hala, baka nakakahiya naman sa'kanila" Napakamot naman ako ulo ko.

BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...