Davian's Pov
I was sitting on the couch, katabi ko si Gray. Nasa harap ko si Collin at Hermione. Nakaupo si Achilles sa armrest, at nakahalukipkip. Nasa kabilang table naman ang iba.
Nalaman na namin kung sino yung stalker ni Alannis, maliban lang kay Ryan at Zang dahil hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila. Lalo na si Alannis dahil kaibigan nila yung stalker ni Alannis.
"Ano kamusta? Kinakabahan na talaga ako." Pagbagsag ni Ryan sa katahimikan.
"Hindi ko na ma-kontact si Alannis, pati si Max."
Nag-aalala na talaga ako dahil pakiramdam ko ay may masama ng nangyari. May tatlong oras na kasi mula ng tumawag si Alannis at wala na akong naging balita kaya hindi ko maiwasan mag-alala.
"Got it!"
"Anong got it? Ako kaya!"
"Tumahik nga kayong dalawa, this is serious." Malamig na wika ni Achilles kaya natahimik yung dalawa.
"Grabe, sino yun? Nakakatakot naman, napatahimik niya yung dalawang yun." bulong ni Ryan sa'kin.
"He's not always like that. He's still mourning." sabat naman ni Hermione sa gilid at napatango naman ako dahil may mga napansin nga akong kaunting pagbabago kay Achilles.
He rarely smiles now, dati naman hindi. Kahit na seryoso si Achilles, ay ngumingiti din naman yun. My cousin surely made a huge impact on Achilles. Nilapitan na lang namin sila, at napakunot ang noo ko dahil pamilyar sa'kin yung location.
"Teka, bahay yan ni Max, ah."
Napatingin silang lahat sa'kin, napahawak ako sa baba ko. Ano ginagawa ni Brent kila Max?
Unless..
"Teka, tatawagan ko.." wika ni Ryan. Inilagay niya yung phone sa lamesa at ini-loud speaker.
"Ryan? Why did you call? Is there something wrong?"
"Where are you right now?" Tanong ni Ry sa'kanya.
"I'm in my condo unit, right now. Why?" Napatingin saamin si Ryan, mukhang di niya alam ang susunod niyang sasabihin.
"Alannis is missing, we need your help," After ma-iconfirm ni Ryan napupunta dito si Brent ay ibinaba na ni Ry ang tawag.
"Hindi ako makapaniwala...how could..how could he do this?" Nanginginig ang boses ni Ryan at mahigpit pa siyang napahawak sa kanyang cellphone.
"How could he lie to all of us? Does it mean that the rumors about him were true?" Lahat kami ay napatingin kay Elaizah.
"Siguro, nakakainis talaga dahil naniwala tayo sa kanya."
"What rumors?"
"Brent got involved with some issues, I think it was last year or 2 years ago? Someone said that he's a murderer nung mga nag-propromote siya non. Ayon doon, sa nag-leak nung information he killed two girls na nagustuhan daw ni Brent, they also believed that they killed their lovers. The issues wasn't confirmed dahil hindi naman nag-salita ang pamilya nung mga namatay." Mas lalo akong kinabahan sa kwento ni Elaizah.
Baka mamaya kung ano na ang nangyare kay Alannis at Max. Nabasag ang katahimikan ng makarinig kami ng katok mula sa pinto.
"Did you find any leads?" Nagkatinginan kami ng makita namin na kasunod ni Hermione si Brent.
"What? Why are you all staring at me like that?"
"Be honest, where have you been?" Diretsong tanong ni Achilles sa kanya kaya pa-simple ko siyang siniko.
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...