"Gusto mo ba naihatid kita ulit sa condo niyo?" Umiling ako.
"C-can you drive me home? I mean... to my parents' house." Tumango siya at sinabi ko lang yung directions kung saan yung bahay nila Mama at Papa.
"Do you want to get something to eat first?"
"No, I'm good, ikaw ba? You also need to eat." Tumango nalang siya at nagstop over sa isang fast food restaurant, inalok pa nga niya ako ng fries pero tumanggi lang ako. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Davian sa pisngi ko.
"Nandito na tayo." Umaayos ako ng upo ko at papunas-punas pa ako ng mata. Bumababa na si Davian at pinagbuksan niya ako. Tinulungan niya naman ako tumayo dahil medyo nanginginig yung legs ko.
"You good? Want me to carry you?"
"I'm fine." Nasa tapat na kami ng bahay at napansin ata ni Davian na nag-hesitate ako na pumasok sa loob.
"Ako na bahala mag-paliwanag sa mga magulang mo." Tumango ako. Nag-doorbell ako at mukhang nagulat ang maid namin nung makita ako. Pinapasok naman nila ako agad at sumunod naman sa'kin si Davian.
Nakita ako nila Mama at Papa at natuwa silang pareho ng makita ako. Sinalubong ko ang mga yakap at halik ni Mama at niyakap ko naman si Papa. Our house is not that big and fancy. I can say that my parents are minimalist.
Si Papa he works as a C.E.O of his company. Si Mom naman ay isang engineer doon din siya nag-wowork sa company ni Dad. My older sister already finished studying. She's already a surgeon in Korea. If I remember correctly doon siya nag-internship. Nagustuhan niya doon sa ospital and they also wanted her there kaya doon siya nagtatrabaho.
"Alannis, you look pale, anak. Ano nangyare sa'yo?" Sunod-sunod na tanong ni Papa.
"Pa, pwede magpahinga po muna ako sa kwarto ko?"
"Ali."
"Sir, ako na po bahala magpaliwanag kung ano po ang nangyare." Tumango na si Papa at hinayaan na akong umalis, sumama naman si Mama sa'kin.
"Ano ang nangyari, anak?" tanong ni Mama.
"A-ayoko po muna pag-usapan." mahina kong wika at tumango naman si Mama. Mabuti nalang at naiintindihan niya. Sana ipaliwanag ni Davian sa kanila ang nangyari. Humiga na ako sa kama ko at natulog nalang ako.
"She's so cute when she's sleeping." May narinig ako nagsalita at pagmulat ko ng mata ko ay nakita ko si Davian sa may pinto at nakasandal. Nandito pa rin siya? Hindi pa siya umuwi?
"How long have I been asleep?" Tanong ko.
"2 hours" That long? Nakatulog na nga ako sa ospital kanina.
"Bakit hindi ka pa umuuwi?"
"Ibinilin ka sa'kin ng Papa mo. Matapos namin magusap" Kumunot naman ang noo ko.
"What do you mean?"
"It means I'll be your bodyguard and you'll be staying with me." What? Bakit? Can't I just stay here?
"Ano? Seryoso?" I asked in disbelief.
"Ano? Seryoso?" Mocking me at napairap naman ako sa'kanya.
"I hate you." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Grabe ka! Ganyan ka ba magpasalamat sa taong tumulong sa'yo?"
"Nag-thank you naman ako, ah!"
"Sungit mo naman!" What? Hindi ako masungit.

BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...