"Oh, ayan!" Napatingin ako sa sarili ko sa salamin.
"Thank you, Zang!" Ngumiti ako habang pinagmamasdan ang ginawa niyang ayos sa akin. Nag-lagay siya ng extensions kaya nagmukhang mahaba ang buhok ko. My dark red lipstick complimented the red dress that I'm wearing. I wore a pair of diamond earrings. Sinuot ko na din yung heels ko.
"Ang ganda mo talaga, Ali!" Puri ni Zang sa akin kaya hindi ko maiwasan mapangiti.
"Syempre, ikaw nag-ayos ng makeup ko." Napasulyap ako sa phone ko ng bigla etong tumunog.
"Kaloy? Bakit ka napatawag?" Nagtataka kong tanong. May problema ba?
"Ali, hindi kasi natuloy yung ka-partner mo kaya maiiba na yung partner mo."
"Ah...yun lang ba? Sino ba magiging partner ko?"
"Si Davian." Natigilan ako saglit.
"Okay lang. Partner lang naman." Binaba ko na yung tawag. Napansin ko na mag-isa nalang ako sa kwarto kaya lumabas na ako. Nakatayo sa isang sulok si Zang habang nagcecellphone. Si Brent naman ay nanonood ng t.v. Nilapitan ko naman agad si Brent.
"Wow, Ali. You look gorgeous." That made me smile.
"Thank you, you look good too. Can I talk to you?" Ngumiti siya at tumango. Hinila ko naman siya palabas ng hotel suite namin.
"What is it?"
"Remember what I told you last week?" Tumango naman siya. Sinabi ko kasi sa kanya na bibigyan ko siya ng chance. Susubukan ko siyang mahalin baka sakaling pag-nagmahal ako ng iba ay makalimutan ko si Davian.
"Yes. Why?"
"Be my date, today." I saw how his face turned red kaya natawa naman ako sa naging reaction niya.
"Is that even a question? Of course." Babalik na ulit sana kami sa loob ng kwarto ng hilahin na kami nila Ry palabas.
"Malalate na tayo!" Sumunod nalang kaming dalawa kila Ry at Zang. Malapit lang naman sa hotel yung simbahan kung saan ikakasal yung dalawa. Pagkadating namin ay agad naman akong sinalubong ng mga kaibigan ko.
Nakita ko sa isang sulok si Davian na may kasamang babae. Nagtatawanan silang dalawa. May binubulong yung babae kay Davian na tuwang-tuwa naman sa sinabi nung babae. Napailing nalang ako at hindi nalang sila pinansin.
Nag-ayos na kami ng pwesto dahil malapit na talagang magsimula. Hindi kami nagpansinan ni Davian. Ngumiti nalang ako para sa pictures ayoko naman magmukhang panget sa kasal ng mga kaibigan ko.
Nakangiti lang ako habang pinapanood ko si Marra na naglalakad sa aisle. I also took some pictures and videos for memories. Nakaramdam naman ako na may kumalabit sa akin kaya nilingon ko eto.
"Bakit?"
"Sana all partner si ex." Napa-irap nalang ako at inagaw kanya yung mini fan niya.
"He has a girlfriend already, Ry. Ayoko na makigulo."
"Akala ko ba he still cares for you? At paano mo naman nasabi na girlfriend niya yung babaeng yun?" Napatingin din siya doon sa babae na malapit lang kung saan nakaupo si Davian.
"That must have been another lie or he does care pero walang romantic feelings involved."
"You didn't answer the second question."
"Sapat na yung makita mo silang naglalandian." Nanahimik na kami dahil nagsisimula na talaga yung kasal. The ceremony is finally done at babalik na kami sa hotel para sa reception.
![](https://img.wattpad.com/cover/224101370-288-k610187.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...