Chapter 18

42 3 0
                                        


"B-Bakit ko naman pipiliin ang taong sinaktan ako?" Namamalat na ang boses ko, naghalo ang pawis, luha at sipon sa mukha ko.

"Bakit mo din pipiliin ang taong hindi ka naman naalala?"

"Hindi man ako maalala ni Davian ay ayos lang. We can still create new memories together. Unlike Paul who cheated on me baka nga karma niya yun sa mga kasalanan na ginawa niya sa akin!" Hindi ko inaasahan na lalabas mula sa bibig ko.

"Ang insensitive mo naman, Alannis. Wala ka bang natitirang awa kay Paul?" Unbelievable!

"Ako pa ngayon ang insensitive? You have no right to invalidate my feelings. Paui, ang sakit. Tuwing nakikita ko yung magaling mong kapatid, naalala ko yung nangyari nung gabi na yun."

"Paui, umalis ka na." Nakita ko sa likuran niya yung mga kaibigan ko. Umalis na siya at napayakap naman sa'kin si Riley. "I'm sorry, Alannis. Dapat hindi na namin siya sinama, hindi naman namin inaasahan na ganun ang mangyayare." Mas lalo akong napahagulgul ngayong nasa harapan ko na ang mga kaibigan ko. I'm so stressed, ang daming nangyayare at nagkakasabay pa.

Somehow, I felt bad sa mga sinabi ko. Na-guilty ako sa mga sinabi ko. "Am I bad person for rejecting their request?"

"Hindi ka masamang tao para tumanggi. Naiintindihan ka namin, isa pa ay may boyfriend ka din na kailangan ka ngayon. Nandiyan naman si Paui para kay Paul and that's not your concern anymore." wika ni Kaloy.

"Tama si Kaloy, your feelings are valid. They should respect you decision. Karapatan mong tumanggi. Alam yun ni Paul nung araw na niloko ka niya na ayaw mo ng ma-associate ang sarili mo sa kanila. "Niyakap na din nila akong lahat. Which made me a little bit better.

"Thank you, guys."

"Gusto niyo ba makita si Davian?" Tumango sila.

"Davian, this are our friends. Si Gia, Riley, Kaloy at si Christian." Hindi niya kami pinansin kaya napatingin sila sa'kin.

"Hi Davian. Kamusta ka na?"

"Okay lang ako." Maikli niyang tugon kaya napabungtong-hininga nalang ako.

Lumipas ang oras na puro kulitan at tawanan kami. I'm happy to see Davian smiling and laughing with our friends. I hope mas mabilis siyang makaalala. "We're back!" wika ni Gia na kasama si Benj. Bumili sila ng meryenda sa malapit na restaurant.

"Ano binili niyo?" Tumayo si Riley mula sa pagkakaupo sa sofa para lapitan sila.

"Pancit Malabon! Bumili na din kami ng paper plates tsaka spoon and fork." Inilagay na nila sa table ang pagkain.

"Share nalang tayo?" Tanong ko kay Davian at tumango naman siya. Medyo natuwa ako na unting-unti ko nakukuha ang loob niya. I wonder kung nagkausap sila ni Benj kanina nung wala ako.

"Ang dami naman niyan!"

"Hindi lang kasi ako ang kakain." Napatakip ng bibig si Gia at Riley at napahawak sa'kin.

Nanlaki naman ang mata nung mga lalaki sa sinabi ko at samantalang si Davian naman ay nalilito din katulad ko. "What?" I'm so confused, bakit ganyan ang mga reaksyon nila?

"Oh my gosh! Don't tell us..." Tell us what?...Nalilito na ako. Ano ba nirereact nila?!

"Ano nga?"

"You're pregnant? OMG!! Can I be a ninang?" Gia cheered. Napasapo ako sa noo ko, ang issue naman nila. Ano daw? Buntis? Ako buntis?

"You're pregnant, Ali?" Tanong ni Davian at umiling naman ako.

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon