Chapter 40

43 4 2
                                    


Mapayapa lang akong nakikinig ng music habang nagrereview dito sa isang study hub. Kasama ko kanina sila Gia pero hindi din sila nakatagal. Naiwan na ako mag-isa dito, kasama nga dapat sila Ry kaso may mga kailagan din gawin kaya ako nalang mag-isa.

Mabuti nalang at 24 hours eto. Baka kasi lag don sa condo ako nag-review ay tamarin lang ako at matulog nalang. Naka-dalawang order na ako ng large iced coffee, ang unhealthy ko na tuloy.

Kumakain pa ako ng mani baka sakaling ma-internalize ko yung mga binabasa ko. Naghihighlight lang ako ng important details at napahilamos nalang ako ng mukha ko. Walang pumapasok na kahit ano sa utak ko, next week na yung exams.

Nakaramdam ako ng mga luha sa nga mata ko. Hinayaan ko lang tumulo eto, I removed my anti rad glasses and covered my face with my hands. Napatalon ako sa gulat ng mag-vibrate yung phone ko sa may bulsa ko. Pinunasan ko ang luha ko bago ko kinuha ang phone, napakagat ako sa labi ko ng makita na tinatawagan ako ni Davian.

"Hi, love.." bati ko sa kanya.

"Love? Where are you? Bakit wala ka pa sa condo?" Oo nga pala, nakalimutan ko sabihin kay Davian na mag-aaral nga pala ako dito.

"I'm sorry, hindi na kita na sabihan. I'm reviewing at a study hub." I tried to sound normal para hindi niya mahalata na umiyak ako kanina.

"Wait...are you crying." I bit my lower lip.

"No." Tanggi ko pero nararamdaman ko ulit ang mga nangigilid na luha sa mga mata ko.

"Love. Saan ka? Puntahan kita."

I sighed. I ended the call and sent him the location dahil hindi ko na kaya pigilan ang paghikbi ko. Wala pang sampung minuto ay dumating na si Davian.

Nanatili lang ako nakaupo sa table ko at nakatingin lang ako sa kanya, Nginitian niya naman ako at napatakip nalang ulit sa mukha ko dahil na-conscious ako.

Puyat na nga tapos bagong iyak pa. Narinig ko na gumalaw yung utpuan sa tabi ko. Inilagay ni Davian ang mga kamay niya sa palapulsahan ko at tinatanggal eto.

"Ayoko na. Hindi ko na ata kaya."

Nagtagumpay siya na alisin yung kamay ko sa mukha ko at hinila ako papalapit sa kanya para yakapin.

"Shush. Love, come here." Kumalas na ako sa pagkakayap at bahagyang napahilot sa sentido ko.

"Ayoko na."

I pushed my books at isinubsob ang sarili ko. He tapped my back at hinimas para pakalmahin ako. This is the first time I cried because of academics. Hindi naman ako ganito na-stress dati. Ano ba nangyayari sa'kin?

"Love, tahan na. Tahan na...."

"Love, nandito lang ako. Alam mo naman na ako ang number one supporter mo. Kakayanin mo yan, love. Diba nga sabi mo sa'kin you still want to save the lives of people? You're Alannis Casimiro, the love of my life. Ang babaeng walang sinukan." I looked at him at pouted bago ko siya hinampas.

"Binola mo pa ako."

"Ayan, smile ka na. Tulungan kita magreview." Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Hindi ka ba pagod? Galing ka sa work, di'ba?" Umiling naman siya at kinuha ang libro na binabasa ko.

"Tatanungin kita ah, sagutin mo ako." Nakapalungbaba ako sa lamesa pero tumango pa rin ako.

"Will you marry me?" Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Davian! Seryoso kasi." Tinawanan niya lang ako bago siya nag-seryoso ng tanong. Mas naging effective ang pag-aaral ko dahil may nagtatanong sa'kin.

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon