I sighed as I pressed the baby powder on my face. I put a little lip tint on my lips and cheeks. Nasa washroom ako ngayon dahil pinagpalit pa ako ni Davian ng damit. May pupuntahan daw kami mamaya.
Lumabas na ako ng cr at nakita ko nalang yung isang sticky note na nakalagay doon sa may desk ni Davian. Nagsasabing may meeting daw siya at babalik din agad.
I sighed at umupo sa swivel chair niya. Naisipan kong tawagan si Ryan dahil naalala ko na naman yung Laida na yun. Agad naman sinagot ni Ryan ang tawag kaya nag-rant na agad ako sa kanya. Napabuntong-hiniga nalang ako.
"Nakakainis naman yung Laida na yun!" Reklamo ko kay Ryan sa phone, tinawanan lang ako. Mas lalo lang ako naiinis dahil kay Ryan e.
"Kalmahan mo lang, Ali. Puso mo." Hindi talaga mawala sa mukha ko yung inis ko. Kailangan ko talaga malabas yung gigil ko sa babae na yun. Baka mamaya mapatulan ko pa siya. Mawawalan pa ako ng class dahil sa babae na yun.
"Nakakairita talaga, Ry. Ang unprofessional!"
"Ang sabihin mo nagseselos ka lang." Napataas ang kilay ko sa sinabi sa'kin ni Ryan.
"Bakit naman ako magseselos doon sa babaeng yun?"
"You sound jealous, Ali. Maybe you're jealous kasi mas mahaba ang oras na magkasama sila."
"Hindi naman papatulan ni Davian si Laida."
"Malay mo naman." Natatawa niyang wika. Alam na alam talaga ni Ryan kung paano ako inisin. Napa-irap ako sa gustong iparating ni Ryan sa'kin. Gosh, nakakainis!
"Baliw! Wala tayo sa teleserye." Hindi naman ako slow para hindi ko ma-gets kung ano yung ipinupunto niya.
Seriously he watches to much teleseryes. The typical pinoy teleseryes kung saan may mag-asawa tapos may kabit and in the end magkakatuluyan ulit yung mag-asawa. Kumunot ang noo ko ng bigla akong binabaan ng tawag. Napagabuga ako sa hangin. Dumagdag pa etong bwisit na Ryan na eto. Binabaan ba naman ako ng tawag, kaloka. Napamasahe ako sa sentido ko at nagbasa nalang ng libro ko para bukas. Magkakaroon na naman kami ng long quiz bukas.
"Max Buenaventura? Is he your friend?" Inikot ko yung utpuan ng marinig ko ang boses ni Davian. Napataas naman ang kilay ko. Ang bilis naman ata natapos ang meeting nila? Wala pa ata siyang 30 minutes doon.
"Bakit? You know him?" Tanong ko.
"You don't? He's a business man and also a fashion designer, did you know he designed the top you are wearing." Fashion designer si Max? Bakit ngayon ko lang nalaman eto? At siya nag-design ng suot ko ngayon? Ang cool naman. Ang akala ko ay may-ari lang siya ng bar.
"You know this because?..."
"See the tag on the hem of your top? It has a logo of a cloud, Max Buenaventura is the CEO of the clothing brand, Ulap." I must say, Max got talent. Ang ganda ng design ng polo ni Davian. Even the top that I'm wearing, it may look simple pero elegante siyang tingnan.
It make sense. Sinabi din naman sa'kin ni Max na mahilig talaga siya sa mga ulap. Bakit kaya hindi nabanggit ni Max sa'kin na isa siyang fashion designer.
"How did you even met him?" Napangisi naman ako sa tanong ni Davian. I decided to tease him a little.
"Are you jealous? Wala namang tayong label." Umirap ako habang pinaiikot yung swivel chair niya. Nilapitan niya ako at hinila patayo bago ako binuhat at inupo doon sa table niya.
"What want to be fubu again?" Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas. Naalala ko na naman nung pinagtripan niya ako. Ugh, kairita. Ang inosente ko non tapos lalasunin ng lalaking eto ang utak ko. My gosh!
![](https://img.wattpad.com/cover/224101370-288-k610187.jpg)
BINABASA MO ANG
Don't Call Me Love
RomanceSa tingin mo sa libo-libong tao sa mundo, nahanap mo na kaya ang soulmate mo? Sa tingin mo saan kayo magkikita ng the one mo? Two strangers never expected to find love in the most strangest place. How will their love prosper when fate is very mis...