Chapter 10

70 5 2
                                        


"Alannis, can we please talk?" Kahit hindi ko siya makita ay kilala ko kung sino ang nasa likuran ko.

"Kung hindi naman importante ang pag-uusapan natin ay wag na lang."

"Ali, please." I flinched when he called me by my nickname. He's not allowed to address me using my nickname. Only my close friends can and he's not my friend.

"Stop calling me Ali."

"Alannis, please give me a chance to-"

"Paul, I'm trying my best to stay professional here. Hindi ibig sabihin na magkaibigan tayo sa play ay ganyan na din tuturing ko sa'yo" I cut him off bago ko kinuha ang bag ko at sinukbit sa balikat ko.

"Excuse me." Aalis na ako ng hawakan niya ako sa may pulsuhan ko.

"Alannis, makinig ka naman sana sa'kin."

"Ano ba, Paul! Bitawan mo nga ako. Huwag kang gumawa ng eksena dito." Pumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin.

"Bakit ba ayaw mo ako kausapin?" I scoffed.

Seryoso ba ang tanong niya? "Alam mo Paul, hindi ko alam kung manhid ka lang or sadyang tanga ka." Nagulat si Paul sa sinabi ko at tinalikuran siya. "I said, I was sorry! Hindi ba sapat yun?"

"G*go ka ba? Hindi mababalik ng sorry mo yung ginawa mo! Hindi mababalik ng sorry mo yung mga sakit na binigay mo sa akin."

Pinagtitinginan na kami ng iba pero wala na akong pakialam. Baka tama nga si Paul kailangan namin mag-usap.

"Alannis..."

"Ano? Ngayon wala kang masabi?" Umalis na ako pero pinigilan niya ako ulit.

"Alannis, sana naman ay pakinggan mo ako."

"I'm done believing your lies!"

"Alannis-" Nagulat nalang ako ng biglang lumitaw sa harapan ko si Davian. Nginitian niya ako bago tumingin kay Paul.

"She said, no so back off." Masamang tingin ang ipinukol ni Paul kay Davian bago niya ako tiningnan.

"Dahil ba sa kanya, Alannis? Kaya ayaw mo ako kausapin?" I scoffed.

I seriously can't believe this guy. "Walang kinalaman si Davian doon! Bakit hindi mo itanong sa sarili mo kung bakit ayaw kita kausapin?"

"Alannis, let's go." Hinila na ako paalis ni Davian bago pa man mag-salita si Paul. Nasa tapat na ng auditorium yung sasakyan. Sumakay na kami at nag-simulang magmaneho paalis si Davian.

"Saan mo gusto mag-dinner?" Oo nga pala hindi pa pala kami nakakain ng hapunan.

"Kahit saan" Nakatingin ako sa labas ng bintana at iniisip ang nangyare kanina.

"Davian, thank you."

"I get why you broke up with him. He's a jerk." wika niya at huminto kami sa isang kubo. Bumaba na kami at nag-hanap ng mauupuan.

"Ano ba best seller nila?"

Mukha kasing hindi eto ang first time na kakain si Davian dito. Binati kasi siya ng guard na nakabantay kanina at ibang staff. "I'll recommend you their sizzling plates"

"Kinakain yung sizzling plate dito?" Sarkastikong tanong. I know what he meant. Gusto ko lang siyang asarin.

"Ha! Ha! Ha! Ang funny mo. Nakakatawa ka talaga." Sinamaan niya ako ng tingin pero tinawanan ko lang siya.

"May I take your order?" wika ng isang waitress habang kapwang nakatingin kami ni Davian sa menu.

"Sizzling pork sisig" I smiled before handing her the menu.

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon