Chapter 27

44 3 3
                                    


Nagmadali ako mag-bihis nung damit na binili namin kahapon. Naglagay lang ako ng lipstick bago ako lumabas. "You look so beautiful..." It was almost a whisper but I still heard it. I just gave him a small smile.

He put his arm around my waist. Hindi nalang ako umangal. Nauna na sa amin si Benj kanina doon sa bar. Kaunti lang ang tao nandoon at mukhang nirentahan ni Kaloy yung bar dahil halos mga kakilala ko ang mga nandoon.

"Alannis! Sabi na eh, bagay sa'yo oh. Di'ba, Riley?" Tumango naman si Riley. Inabutan agad nila ako ng baso ng beer. Dirediretso ko naman eto ininom bago ko binalik ang baso kila Riley.

"Si Kaloy?"

"Nandoon." Turo niya doon sa lalaking may mga kausap na ibang tao.

"Babatiin ko lang ah" Paalam ko sa kanila at naglakad papunta kay Kaloy.

"Happy Birthday Kaloy!"

"Uy! Nandito ka na pa, Ali! Si Davian?" Nagkibit-balikat ako at bumeso nalang, inabot ko na rin sa kanya ang regalo ko.

"Ganda ng suot natin ngayon ah, ikaw may birthday? Red na red ah." Natawa naman ako.

"Sila Gia kasi, pinilit ako na eto suotin ko."

"Bagay naman! Maiwan muna kita diyan, ah." Tumango nalang ako.

Umalis nalang din ako papunta ng c.r ng may nakita akong naghahalikan na dalawang lalaki. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko at tumalikod. Wala naman masama doon, nagulat lang ako dahil kilala ko kung sino yun.

"Alannis?" Hinarap ko ulit silang dalawa. Halata sa mukha nila ang pagkakabahala at kinakabahan. Sinuklian ko nalang sila ng ngiti at hinawakan ko ang kamay niya.

"I..I can explain..." Umiling naman ako.

"You don't have to explain, how long?" Tanong ko.

"Almost one year?..." The other guy answered.

"Alannis Casimiro, a pleasure to meet you. You are?" I offered my hand and he accepted it.

"Mykel Sison. A pleasure to meet you as well. Christian has told me a lot about you."

"I hope they're all good." biro ko.

"Don't worry, he told me great things about you." Mykel placed his arm around Christian shoulders.

"Ali...please-"

"Your secret is safe with me." I winked

"Thank you, I'll tell them when we're ready." Nagpaalam na ako dahil kailangan ko pa pumunta sa c.r. Umihi lang ako at naghugas ng kamay bago ko binalikan sila Riley. Gosh, they are already so wasted.

"Hi, Alannis! Shot?" Napataas lang ang kilay ko ng iaabot niya sa akin ang ashtray kaya pinitik ko ang noo ni Riley.

"Ow! Ayaw mo ba?" Ngumuso siya.

"Ashtray yan, boba!" Napakamot nalang siya sa ulo. Kumuha nalang ako ng baso at uminom nalang.

"Nasaan si Davian?" Nagkibit-balikat lang ako.

"You know, you should talk to him!"

"Oo nga, hindi nga ata kayo nagpansinan kanina eh."

"Hindi nga." Diretso kong sagot.

"Hay nako, Ali. Paano niyo ma-reresolve yan kung ganyan kayo?" Napailing nalang si Gia.

"Malabo eh." Kibit-balikat kong wika. Inilagay ko ulit sa lamesa yung baso at tinungga nalang yung bote.

Don't Call Me LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon