VI

305 40 2
                                    

"Close pala kayo ni Eli, girl? bulong sa akin ni Chloe. 


Nandito na kami sa salas nila. Nandito din ang iba naming pinsan kaya bulungan lang kami. 


"Hu-huh?  Hindi naman masyado" patay malisya kong sabi.  She just shrugged and went to the kitchen. Naalala kong di pa nga pala ako nagtotoothbrush shit! Napatayo ako at dali daling pumasok sa kwarto.  Sana talaga hindi halatang di ako nagtooth brush.  Haist. 


Pagkalabas ko ng banyo,  napatingin naman ako sa phone ko,  chachat ko na ba siya?  Baka sabihin niya ang bilis bilis ko. Maya maya na lang.  Hmmpp,  dalagang pilipina rin naman ako kahit papaano ano! Lumabas na ako at nakipagkwentuhan sa mga pinsan ko.


"Saan mo balak magcollege, Spice?" Napalingon naman ako kay Kuya Vern.  "Sa Batangas, Kuya. "


"Ano ba kukunin mo?" Napalingon naman ako ngayon kay Kuya Jim. "Engineering.... Civil Engineering. "


"Woah!  Mga inhinyero pala tayo eh! " sabi ni Chloe at nakipag apir sa akin. "Nagojt kami sa company nila Tito Steve,  dun na lang din kayo magojt kapag malapit na kayo matapos" sabi ni Kuya Jim.


Si Tito Steve ay may construction company. Wala siyang asawa and anak.  Siguro binuhos niya ang buhay niya sa pagpapatayo ng company. Nakakalungkot siguro 'yon.  You are successful but you don't have a family to share those and celebrate.  Well nandito naman kami,  but iba siguro ang pakiramdam kapag may sarili kang pamilya.


Naalala ko na naman si Eli.  Shocks ang landi ko talaga. Napailing na lang ako sa naiisip ko.  Masyado akong advance magisip! Baka naman mahopia ako! 


Naglaro na lang kami ng xbox, nakipagchickan,  at pinilit nila akong magphotoshoot.  It was already 12 noon ng napagdesisyunan naming kumain. After non, I take a bath and nahiga sa kama. Half day pa lang pero napagod na ako ng bongga.  I closed my eyes and fall asleep.


Napaigtad ako ng makarinig ako ng malakas na tugtog....


"IN YOUR HEAAAAAADD!!!  IN YOUUUUR HEAAAD!  ZOMBIE ZOMBIE ZOMBIIIEE EH EH!! "


No doubt na si Chloe ang kumakanta.  Ang sakit sa tenga. Napatingin naman ako sa phone ko.  Hala 6 na pala?  Hindi ko namalayan.  Ang haba ng naitulog ko.  Lumabas ako sa kwarto bitbit ang phone ko.  Nakita ko sila sa may veranda. Napabaling naman ako sa may gilid at nakita ang maraming cases ng beer.  Ohh.. may session. 


"Oh gising na pala yung sleeping beauty natin eh. " Kuya Jim chuckled. "Boses lang pala ni Chloe, makakapagpagising sayo eh. " natatawang sabi ni Kuya Vern.  Hinampas naman ni Chloe di Kuya Vern at tumawa.  "Tara na girl!  Shot na!" sabi ni Chloe.


Napatingin naman ako kay Shantal na tahimik lang sa isang tabi at may hawak na beer. Umiinom ako.  Yes.  Pero kapag kasama ko lang sila.  Umupo na din ako at bumukas ng isang bote. "LET'S GET WASTED!!" sigaw ulit ni Chloe habang ako ay natatawa na lang.  


"Aray..... Aray nakuuuuuuuu ohhhhh.. "


DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now