XXXV

218 33 0
                                    


Nang matapos kami makapagusap ni Ryan ay lumabas lang kami for lunch. At ngayon, nandito ako ngayon sa harap ng pintuan ng office ni Tito Steve upang magpapirma at magpaalam na din. I knocked and slowly open the door.


"Tito, " napatigil ako ng pagsasalita nang makita ko silang naguusap ni Eli.


"Babalik na lang po ako. "


"Hindi na,  I'm just going to sign that,  right?"


Dahan dahan na lamang akong napatango at naglakad papalapit sa kanila.  Di ko maiwasang magnakaw ng tingin kay Eli. He was holding a bunch of papers, at doon lamang nakapokus ang kaniyang buong atensyon.


Silence filled the room,  walang nagsasalita sa amin.  Tanging ang tunog lang ng ballpen at paglipat ng papel ang naririnig sa buong opisina. 


"Babalik na lang po ulit ako mamaya, " I said as Tito Steve gave me the papers. Tumalikod na ako sa kanila at naglakad palpalabas, muli akong nagnakaw ng tingin kay Eli, na hindi man lang ako tinapunan ng kahit isang tingin, na tila ba isa lamang hangin ang aking prisensya.


Pipihitin ko na sana ang door knob ng muling magsalita si Tito Steve,  "About your leave,  sigurado ka na ba 'don?"


Napakagat ako sa labi at dahan dahang humarap sa kanila.  Nagulat ako nang magtama ang paningin namin ni Eli. He looks like, he is waiting for me to respond, and for the very first time,  I saw an emotion on his face, confusion.


"O-opo,  T-tito"


"Bakit?  Dalawang buwan din 'yon ah, nasabi na rin sa akin ni Engineer Santos na napasa mo na lahat sa kaniya.  Mukang pinlano mo na talaga ha. " Tito Steve said and chuckled. 


"Na-naasikaso ko na po lahat,  magbabakasyon po kasi ako,  k-kasama ko po si Chris"


"Ganon ba? Eh ang tagal naman ng dalawang buwan. Anong gagawin mo? Maghahanap ka na ba ng mapapangasawa. " Tito Steve said teasingly. 


Napatingin ako kay Eli at tiim bagang lang siyang nakatingin sa papel na hawak niya.  Ano nga naman sakaniya 'yon diba?  Atsaka parang ganon na nga din naman ang gagawin ko,  na-na pagkatapos kong mahanap ang sarili ko,  bubuksan ko muli ang puso ko,  at sinisugurado kong yun na rin na ayun na ang huli.


"P-parang g-ganon na nga rin Tito" I said and laughed awkwardly.


"Aba,  sino ba naman ako para pigilan ka?" natatawang sabi sa akin ni Tito.  "I'll just print your email,  tapos pipirmahan ko na lang din para hindi ka na mahassle. Just be happy,  enjoy your leave" Tito added and smiled.


"Thank you Tito"


I took a big sigh as I finally reached my office. Inayos ko ang gamit ko dahil iuuwi ko 'to sa apartment.  Magdodrawing drawing ako kapag walang magawa dahil two weeks lang naman talaga ang Coron namin and after that,  hindi ko na alam.  Kung ano na lang maisipang gagawin.

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now