XXXVI

216 29 0
                                    

He was wearing a beach short and a plain V neck t-shirt. Nakatingin lang kami sa isa't isa ng mga ilang segundo nang umiwas siya ng tingin. Humakbang siya papalapit sa aking direksyon hanggang sa... NILAGPASAN AKO.


Tila ba umakyat lahat ng dugo ko sa muka sa sobrang kahihiyan. Tumalikod ako at sinundan siya ng tingin. He walked casually towards the elevator like nothing happened, like he didn't saw me. Namuo ang galit sa aking dibdib, kung makaakto siya parang hindi niya ako kakilala, na parang wala kaming pinagsamahan.


Naisipan kong bumalik na lang sa aking kwarto. I just ordered my food kasi nawalan na ako ng gana lumabas. Ang dami kong tanong sa aking isipan, tulad na lamang nang, bakit nandito siya? Anong gagawin niya dito? Sinusundan ba niya ako or what? Napasabunot ako sa aking buhok dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na isipin siya. Is this really a coincidence? Because if it was, wow, destiny really want to fuck my life up.


I went to the balcony of my room to have a fresh air. Hindi pa ako nakaka-isang araw eh naiistress na ako. I took a deep breath and closed my eyes. I am reminding myself na, kaya ako pumunta rito ay para magmove-on at ayusin ang sarili. I'll just focus on my goal, if ever na magkita ulit kami, edi hindi papansinin gaya ng ginawa niya sa akin. Nauna rin ako dito, kaya kung sino man ang aalis, dapat siya 'yon!


I went back to my room and lie on bed. I'm just staring at the ceiling blankly and thinking about tomorrow. I sigh, bahala na talaga.



I woke up around 10 am and I decided to swim. I wore my one-piece red swimsuit and a short-shorts, mamaya ko na lang ito tatanggalin kapag nandoon na ako sa beach. I grabbed my white see-through cardigan and my shades. Bumaba na ako at dumiretso sa beach alley, naglakad ako palapit sa magkakadikit na upuan na may payong. I took out my sun blocked and applied it all over my body.


Napatingin lang ako sa paligid at doon ko lang na-appreciate ang ganda ng beach. Hindi ganon kainitan at medyo kakaunti lang din ang tao. The wind is also fine and not dry, hindi mainit sa balat. I rest my body on the chair and wore my glasses. So ito pala yung feeling ng bakasyon, nagsisisi tuloy ako kung bakit hindi ko ito nagawa dati.


"Is this seat taken?" napabaling ako sa lalaking nagtanong sa aking bandang kaliwa. My eyes widen when I saw who's asking. "Charles?" I said and took off my glasses to confirm it. Nakita kong nagulat din siya nang makita ako. "S-spice".


"Nagbabakasyon ka rin?" I asked him and he just nodded. Umupo siya ng dahan dahan sa tabi ng kinauupuan ko. "Ikaw? Sinong kasama mo?" he asked. "Ako lang, i-ikaw?" sabi ko sabay iwas ng tingin. Magkasama kaya sila ni Eli? Edi ibig sabihin kasama rin sila ni D-diane?


"Ako lang din." He said casually at tumingin na rin sa paligid. "It's been six? seven years? Long-time no sees," he said and slightly laughed. Napalingon ako sakaniya at nakita kong nakangitin na rin pala siya sa akin. "Kaya nga eh, hindi na tayo nagkita simula nung," napatiom ako sa pagsasalita at napalunok. "Simula nung naghiwalay kami ni Chloe" he said and gave me a sad smile.


When Eli and I broke up, ang balita sa akin ni Chloe ay nagkakausap pa rin naman sila ni Charles that time. Nagkaayos din sila, pero after two months, a-ayon nagbreak din sila. At yun yung araw na huli ko siyang nakita.

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now