XXVI

198 38 1
                                    


"Umuwi ka na Spice, may pasok ka pa bukas.  Ako na dito."


Naandito kami ngayon sa ospital at kasama ko si Chloe.  Si Chris naman ay kasama ang mommy niya na nakikipagusap sa isang hospital staff. 


"No,  Mamayang gabi na lang ako uuwi. "


Ilang sandali pa ay dumating na si Chris. Kita mo kung gaano siya katamlay ngayon.  His eyes were swollen and dead. Simula kagabi ay walang humpay siyang umiiyak pag dating namin.  Nagwawala siya sa labas ng emergency room. Maging ako ay napaiyak na rin dahil sa sitwasyon niya.  He keep saying that it was his fault.


Dinala si Tito sa ospital dito sa Southwoods, dito daw kasi ang pinakamalapit na ospital na pinangyarihan ng insidente.  Dead on arrival daw ito,  sumalpok ang kaniyang kotse sa isang poste. Nakainom daw kasi si Tito at mabilis pa ang pagpapatakbo ng kotse.


"Chris"


Napatayo ako sa kinauupuan ko at dali-daling lumapit sa kaniya.


"Where's Tita? "


Dahan-dahan niyang inangat ang kaniyang ulo at diretsong tumingin sa akin. Umiiyak na naman ito.


"Chris" I said and pulled him to give him a hug. 


"It's my fault, oh God.  It's my fault" he said between his sobs. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakayakap ko sakaniya at inaalo ang kaniya likod. 


"Kukuha lang ako ng tubig. "


Umalis si Chloe at pinaupo ko muna si Chris.


"Shh,  it's not your fault okay?" I said and wiped his tears. "It was my fault" at huminga siya ng malalim.


"Na-nalaman niya na hindi medicine inclined ang ki-kinuha kong course..."


Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. 


"We argued la-last night at umalis siya sa bahay,  ta-tapos.. " Umiyak muli siya at tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga kamay. "And.. And then, ma-may tumawag na lang sa amin ilang oras pagka alis ni daddy,  na-naaksidente daw siya. "


Napahagulgol muli si Chris at muli ko siyang yinakap. 


"It was my fault Spice, my fault. "


"No it's not, Please,  Tito will not be happy if he sees you like this.  Don't blame yourself."



-



"Thank you Spice ha"


"Wala pong problema, Tita. "

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now