"Birthday na birthday naka busangot ka!" Kiana said nang makita niya ako sa labas ng bar. She was wearing a pants, bralette and a wind breaker. Magkaiba kami ng school, she is taking up a course na inclined sa Media since nagraraket nga siya magmodel.
"Tss, hindi kaya! " I said and faked a smile. May binigay naman siya sa akin na paper bag, at sinabing gift niya raw ito.
Mga ilang sandali pa, dumating naman si Mich at si Ana. "Sorry, wala akong gift, but happy birthday!" Mich said and kissed me on my cheeks.
"Ayaw sabihin sa akin ni Mich kung totoo ba yung balibalita, ay by the way happy birthday Ice! Skin care for you! " she said and handed me a paper bag. Well, It's Ana. Skin care is life.
"Anong balita? " Kiana asked. Napabaling din ako kay Ana. "Na she ran away from her parents" Ana said. Napalaki naman ang mga mata ko.
"Is it true?" I asked.
"Chill, yup, umalis ako sa bahay, but not ran away talaga! Grabe ang mga balita! Nagboboard ako kasi mas malapit yun sa school ano ka ba!" Mich explained and she rolled her eyes.
Mich is also taking up a course na inclined sa media. Gusto niya makapasok sa music industry. She has a great voice. Kikiligin ka sa boses niyan, vm lang katapat mo jan.
"Ay, sorry. Fake new pala, ay no! an edited news." Ana said and chuckled. Si Ana naman, she like kids, so she take education for primaries.
"Gusto ko rin magboard, medyo hassle sa sched ko eh" I said.
"Sabihin mo kay Tita, papayag 'yon! " Kiana said.
Tinext ko si Yen na papasok na kami at itext na lang kami kapag malapit na sila. Kasama niya si Trina. Galing pa silang Manila. Trina is taking up a business course in U.P, pinaghirapan niya 'yon. Sobrang puyat siya before the upcat exam. Naging scholar naman siya, kaya doon na siya nagaral. Kasama niya naman si Yen, na nagaaral ng tourism sa FEU.
Magkasama sila sa condo ni Yen, though kahit medyo malayo pa sa U. P yung condo ay sumama na lang din si Trina kasi wala siyang matutuluyan. Trina is an orphan, pero kahit ganon, napakalakas ng loob niya.
Papasok na sana kami nang makita ko si Chris. "Gonna leave me here? " he said and pouted. "Pabebe" Mich said and rolled her eyes. Tumawa na lang kami at pumasok na sa loob.
Hindi ganon ka wild ang bar since naguumpisa pa lang ang gabi. They have a chill ambiance and a mini stage sa gitna nito. Dimmed ang lights at wala ring masyadong tao.
"It's on me" I said to them. Binigyan kasi ako ni Mom ng money for this. Mas gusto ko ang ganitong celebration lang. Yung kasama lang yung mga malalapit sayo.
They ordered drinks and finger foods. Ako naman ay nakatuon lang sa cellphone dahil hindi pa rin nagpaparamdam si Eli. Pilit ko itong sinasawalang bahala kasi baka nga busy, Alam ko namang may work siya at nagrereview pa.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?