XXIII

192 39 1
                                    


"Umuwi na tayo Spice. "


It's almost 12 midnight na,  hinatid na ni Chris ang iba pa at binalikan ako ngayon.


"Last shot na promise. " I said. Kukunin ka na sana ang bote nang tequila ng pigilan ako ni Chris.

"Enough." Napatitig naman ako sa kaniyang mga mata.  He looked very worried.  "Buti ka pa,  nandito sa birthday ko" I said and chuckled. 


"Tell me Chris, yung honest!  No talkshit!  Boring ba ako kasama?  Hindi ba ako masayang kasama?" I said as my tears fell from my eyes. 


"N-no" he said at inalalayan na ako tumayo.  "Bakit? Bakit ganon?  Bakit mas pinili niyang kasama 'yon?" tangina,  ang sakit sakit. He hold my shoulders and force me to faced him.


"I don't know kung ano ba talaga ang nangyari,  but I'm sure si Eli 'yan. Umuwin na tayo Spice,  sa inyo na lang natin pagusapan. "


"Mismo!  Si Eli na sa una lang magaling!  Ang hayop na 'yon!  Hindi na nga siya masyadong nagpaparamdaman this past few days pati ata birthday ko kinalumutan ni gago!" I said between my sobs. "Ta-tapos makikita ko,  nandun siya sa bestfriend 'kuno' niya?  Tangina!  Magsama sila!"


Napaupo muli ako sa couch at tinakpan ang muka ko gamit ang kamay.  Napahagulgol na ulit ako dala ng aking nararamdaman at siguro,  dala na rin ng alak. 


Chris suddenly kneeled in front me, and grabbed my two hands.  "Shhh,  Spice,  look at me". Napatingin naman ako sakaniya.  "Maybe he has a reason. Hindi sa kinakampihan ko siya pero,  baka may rason.  Wag kang magconclude.  Alamin mo muna,  pero kapag nalaman mong linoko ka talaga,  sabihin mo agad sa akin.  Bibigyan ko siya ng isang tadyak at sapak,  okay?  But for now, please,  lets go home"


Napatawa naman ako sa sinabi niya.  Nababaliw na ako.  Reasons?  Pwede,  pwede akong makinig sa rason pero yung sakit na nadulot niya ngayon ay hindi na mababalik pa.  Kahit anong reasons niya pa,  nasaktan na ako.  Atsaka,  ganon ba kahirap itext ako?  Kahit 'hbd' o 'habadu' man lang ay wala? 


I looked at my watch and saw that it was already passed 12 am.  Napailing na lang ako at tumayo.


Okay,  time's up Spice, game over.


Akay akay ako ni Chris papuntang parking lot.  He told me that yung car ko na lang ang idadrive at magko-commute daw siya pabalik dito sa bar para kunin ang sasakyan niya.  Sinabi ko na nga na iwan na lang car ko,  bukas na lang babalikan but he said no.  Hindi na ako nakipag talo dahil masakit na rin talaga ang ulo ko.


Nang makarating kami sa bahay,  pinagusapan muna namin kung anong nanyari.  Sinabi ko lahat,  lahat.  Siyempre si Chris,  the most understanding person I know,  intindihin na lang kesyo baka busy lang, or baka nagrereview.  Napaisip naman ako 'don.  Baka nga,  baka nga distraction ako. 


I walked towards the kitchen para uminom ng tubig nang makaalis na si Chris.  Para akong nadehydrate dahil sa kakaiyak. Kinuha ko ang gamit ko sa may couch nang biglang tumunog ang cellphone ko. Napatawa naman ako noong nakita ko kung sino ang tumatawag.  Ready na akong makatanggap nang 'happy belated birthday' na bati mula sa kaniya. Tangina.  Pinunasan ko na naman ang luhang bumagsak sa aking mga mata bago sinagot ang tawag. 

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now