XVI

217 35 0
                                    

Naandito kami ngayon sa airport, kasama ko si Kuya Vern dahil siya lang available.  Hindi sumama si mom dahil busy daw siya sa work. 


It was already 10pm at hinihintay ko na lang lumabas si Dad.  "Ano Spice,  nasan na daw si tito? " Kuya Vern asked. Sasagutin ko na sana siya nang mahagip ng mata ko si dad. 


He was wearing a tshirt and maong pants.  He is also wearing a leather jacket at naka shades.  May itsura si dad, he looked younger in his age of 45. Maporma din kasi siya at matangkad kaya naman kahit may edad na, habulin pa rin. 


I waved my banner and giggled.  Ilang taon ko na din siyang hindi nakita. He looked in our direction at tinanggal ang kaniyang shades. Si dad papogi,  gabi na, nakashades pa. He waved back at lumapit palapit sa amin.


"Dad!  I missed you" I said and hugged him tight.  "I missed you too sweetheart" he said and kissed my forehead. 


"Hi Tito!" Kuya Vern greeted.  "Gumagwapo tayo Vern ah," Daddy said and laughed. 


"Oo naman tito, parang kayo lang" Kuya vern said. 


Sumakay na kami sa Van at si Kuya Vern ang nagdadrive.  Nasa shotgun seat ako at si dad naman ay nasa likod. Nang makarating kami sa bahay. Binaba ni Kuya Vern ang mga gamit ni dad,  tinulungan ko rin siya iakyat ito. 


"Pahinga muna ako, Spice" Kuya Vern said at dumiretso na sa kwarto niya. It was already 2 am. Papahinga na rin ako kasi mangyayari na ang big event mamaya. Hindi ko na inabala si Dad dahil dumiretso na siya sa kwarto nila ni Mommy.  Hindi ko na din nakita kung nandun na ba si Mom or wala pa.



Nagising ako dahil biglang tumunog ang phone ko.  Nakapikit pa akong inabot ito at sinagot.


"Hmm"


"Rise and shine babe" Eli said in a husky voice. Napangiti naman agad ako.  Ang ganda ganda ng umaga kapag ito ang gigising sayo.  Ang landi hihi. 


"Good Morning. " I said at bumangon na rin sa pagkakahiga. 


"I can't wait to see you"


Graduation na namin ngayon.  Pupunta si Chloe pero yung mga iba ko pang pinsan ay hindi. Umalis na rin siguro si Kuya Vern kanina dahil ang sabi niya may kailangan daw siyang gawing school works.  I invited Eli and he said yes.  Ipapakilala ko na rin siya kay mom and dad. 


"Me too. "


"Did I wake you up? "


"Oo" I honestly said. "Good, ako lang dapat talaga ang gigising sayo"


Napangisi na lang ako.  Hindi ko naimagine sa pagkakafan girl ko na,  aabot kami sa ganito. It is just too good to be true.  Nakakatakot pero I don't mind.  Eli is worth the risk. I can endure all pain. 

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now