"Ano Christmas plan niyo?" Chris asked.
We our here in our spot. It was all senior's free time, kaya naman naisipan naming tumambay dito.
"Out of the country again. " sabi naman ni Yen na walang emosyon. Parang ang tamlay tamlay niya ngayon.
"Hirap siguro pag sobrang yaman ano? Pati pangingibang bansa kinaboboringan mo na" sabi naman ni Trina na medyo kinatawa ng lahat. "Ikaw, Spice? Anong plano sa Christmas? " bumaling sa akin ang lahat nung pagkatanong ni Kiana. Tinignan nila ako ng mapangasar. I just chuckled at napailing.
Hinatid ako ni Eli after naming magusap 'non at nagpaliwanag siya sa akin. Sinabi ko rin sakaniya yung about sa babae na nakita ko and he said that umalis talaga siya agad. Linoloko lang daw siya ng mga blockmates niya kasi akala nila wala daw siyang pinopormahan. He promised me na kapag hindi ako nakasagot sa tawag kapag magpapaalam siya ay hindi na siya pupunta. Natawa ako 'non, hindi naman ako ganun no, sabi ko kahit hindi na, kasi may tiwala naman ako sakaniya.
Pagkauwi ko 'non, usual wala si mom at ginera talaga nila ako sa GC umabot ng 3 hours ang vc naming girls. Kwinento ko na rin kay Chris ang lahat at nangako siyang hindi niya sasabihin kila Kuya Jim.
"A usual christmas, kasama mga pinsan. " I said. "Awww, hindi mo kasama boyfriend mo? " tanong naman ni Ana.
"Hala! Hindi ko pa 'yon boyfriend! " singhal ko naman.
"Sus, you two act like a couple already, bakit kasi di mo pa sagutin? " pagtataray naman sa akin ni Mich. "I have plans. " sabi ko at ngumiti.
-
"Eli naman, magpahinga ka, tignan mo eyebags mo oh. Matulog ka na." I said.
Nandito ako ngayon sa kama at Ka-vc ko si Eli. Lately kasi napapansin kong wala siya halos tulog. Ang laki laki ng eyebags niya.
"No Spice, you know. Priorities." he said and gave me a small smile. I rolled my eyes. Kikiligin sana ako pero tignan mo naman, mas nakakakonsensya eh.
"Please Eli, sleep. Nakapagusap naman na tayo. I'm worried. "
"Nagwoworry ka? " Nanlaki naman ang mata ko. Di niya ba alam? "O-of course.. Kaya matulog ka na. Magpahinga ka. " Narinig ko naman siyang bumuntong hininga.
"Fine, but wag mong ibababa. Promise me. " I gave him a smiled and nodded. Nakita ko naman siya humiga na at ginilid ang phone niya. "Goodnight babe" he said as he closed his eyes.
I was a bit shook for a moment. Tutulog na nga lang, nagpapakilig pa.
Tinitigan ko ang screen na nakatapat sa muka niya. Pinatay ko na ang ilaw at humiga na rin. Ginaya ko ang pwesto niya na nasa gilid ang phone. Napatingin ulit ako sa muka niya. I smiled.
" Goodnight Eli, see you in my dreamland. " I said and slowly closed my eyes.
-
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?