A/N: Grabe hindi ako makapaniwala na aabot tayo dito. Salamat sa mga nakaabot dito, solid mo hehe. Enjoy, and see you in my next one :))
Spice's POV
"T-teka, b-bakit ako?" reklamo sa akin ni Eli, rinig na rinig pa rin ang iyak ni Elice, ang aming first baby.
"Eh, alangan naman ako? Eh nagluluto ako?"
Tumae kasi si baby Elice kaya iyak ng iyak. Hindi ko naman maiwan ang niluluto ko kasi baka masunog. Itong si Eli! Reklamo ng reklamo. Nakaka-highblood!
"Diring diri ka? Anak mo 'yan! Sarap na sarap ka nung ginawa natin tapos nga--" natigil ako nang magsalita siya. "OO NA! OO NA! your words babe, please." sabi niya na ikinatawa ko ng bahagya. Susunod rin naman pala ang dami pang reklamo.
Nang matapos ako magluto ay naghain na agad ako. Tumigil ako sa pagtatrabaho nung nalaman naming buntis ako, after ng kasal namin ay mga ilang buwan lang ay nakabuo na agad kami ng isang anghel, she is Elice Lyn Fajardo, a bouncing baby girl.
Totoong sobrang taba niya ng pinanganak ko siya, kaya halos dumagungdong ang hospital dahil sa sigaw ko. Sobrang sakit, hindi ko ineexpect na ganon pala siya ka-sakit, pinilit kong normal ang deliveration eh, but it was worth it naman, ngayon magdadalawang buwan na siya, and she is pretty like her Mom, well.
Umakyat ako para yayain na sana si Eli kumain ngunit pagkaratimg ko sa kwarto ay tulog ang mag-ama. Ang cute cute nilang tignan, napangiti muli ako dahan dahan lumapit sa kanila.
I am so blessed to have this kind of life. Hindi man naging madali ang pagsasama namin ni Eli ay kita naman ang kapalit nang bawat sacrifices na 'yon. Pinunasan ko ang luha ko sa aking pisingi, hindi ko mapigilan kasi I've never imagined that my life will be this so good. Sobrang pasasalamat ko talaga na nakilala ko si Eli. Nasaktan man niya ako noon, handa naman siya bawiin iyon sa mga panahong ito, at panahong darating.
I extended my arms to touch his face, but suddenly he woke up. He grabbed my hands and seated on the bed.
"W-why? B-bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin at pinunasan ang luha sa aking mga mata. Umiling lang ako at binawi sakaniya ang aking kamay. "W-wala, masaya lang ako." I said and smiled.
He slowly pulled me closer to him and wrapped his arms around me. "Ako rin, masayang masayang masaya." he whispered to my ear. Ilang minuto rin kami nagyakapan at inaya ko na siya kumain. Dinala ko na rin si Elice sa baba at nilagay sa crib niya, hindi kasi namin siya pwede iwanan sa taas. wala kasi kami kasambahay, kaya naman naginstall na lang kami ng crib dito sa baba, at meron rin sa taas para kung may ginagawa kami ay pwede namin siya roon muna ilagay.
Habang kumakain kami ay pinagkukwentuhan lang namin ang company at ang trabaho niya.
"Okay lang naman sa akin," I said and smiled at him. "H-hindi 'yon okay babe, ayokong maiwan kayo rito ni Elice, kaya hanggat ayaw mo sumama sa akin sa New York ay, dito na lang muna ako magtatrabaho"
Matagal na kasi siyang kailangan sa kanilang company, may katandaan na rin kasi ang Dad niya kaya kailangan na niya pumunta roon. Ayaw ko kasi umalis sa bansa, gusto ko kasi makita at maranasan ni Elice yung kinalakihan ko hindi yung sa ibang bansa. Isa pa ang iniisip ko rin si Mom, wala siyang makakasama sa Pilipinas if ever na mag-migrate kami sa ibang bansa.
"P-pero paano yung company niyo?"
"Bahala na muna, ang mahalaga ay kayo muna." he said and smiled.
Nang matapos kami kumain, kinailangan siya sa trabaho dahil may urgent meeting daw. Nagbonding lang kami ng anak ko hanggang sa dumating ang hindi inaasahang bisita.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?