XXXIV

199 31 0
                                    


"Ano 'to?"


Tanong ni Mich kay Ana nang bigyan kami ng tig-iisang envelop.


"Ikakasal na ako."


"ANO/WHAT?" sabay na sabi namin ni Mich habang si Trina naman ay nabuga niya ang iniinom niyang milk tea.


"Ang baboy mo Trina!" sigaw sa kaniya ni Kiana habang pinupunasan ang kaniyang braso dahil siya ang natamaan nito.


"Tangina, seryoso?" sabi ni Trina na halos hindi makapaniwala. "Potek, alam mo naman ang pagaasawa diba? Nagaano 'yon, alam mo 'yon. Nagaano! May alam ka na ba 'don?" sunod sunod na sabi ulit ni Trina. Bahagya akong napatawa sa kaniyang reaksyon. It was valid naman, kakagulat talaga, kilala kasi talaga namin si Ana as inosente, atsaka never niyang pinakilala sa amin ang mapapangasawa niya, ni hindi ko nga alam na nagkaboyfriend siya eh.


"Girls, kalma. Alam ko, kilala ko naman si Clark, nagbago na 'yon." Sabi naman ni Kiana.


"All this time you know?" taas kilay na tanong ni Mich. Napakagat sa labi si Kiana at dahan-dahang napatango. "And you didn't bother to tell us?" Mich added.


"Guys, it was my decision, hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo, dahil busy din kayo sa sarili niyong buhay." Ana said. Napakagat ako sa aking labi kasi guilty ako, totoo na hindi ko na sila halos makamusta nung mga nakaraang taon dahil nga busy ako. "Mahirap din kasi ang pinagdaanan namin, hindi pa nga malalaman ni Kiana na, na kami na ni Clark kung hindi niya pa kami nahuling nagaaway sa isang fashion event." paliwanag nito.


Nakita kong nagpunas ng luha si Trina at Kiana, maski ako rin ay naiiyak dahil sa sinabi niya. Na-realize ko talaga na malaki talaga ang pagkukulang ko as kaibigan nila pero tignan mo naman, nandiyan pa rin sila kapag kailangan ko sila. I'm so blessed because I have them.


"Group hug nga diyan." Singit ko at sabay sabay kaming nagyakapan.


"So, kalian ang kasal?" singit muli ni Trina at sabay sabay kaming napatingin kay Ana.


"Next Month" she said and smiled. Nagsilakihan ang mga mata namin, maski si Kiana ay nagulat, dahil next month na agad? As in agad agad?


"A-alam na ba'to ni Yen?" Trina asked. "Yeah and guess what, uuwi sila dito next month!" sabi ni Ana na halata sa boses niya ang pagka-excite. Napangiti rin ako dahil namiss ko na rin si Yen, for sure reunion agad ito.


Napabaling ako ng tingin kay Trina at nakatulala lang siya sa kawalan, itatanong ko na sana nang maalala ko ang mga nangyari dati, shit, oo nga pala.


-


"Dalawang buwan? Ano 'to? Joke?"


Napatingala ako nang makita ko si Ryan na naghihimutok sa aking harapan.


DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now