"Mabuti na lang free kayong lahat ngayon" Veronica said and giggled.
We are now here in Ace Pub, a bar somewhere here in Laguna. Advance celebration for Veronica's graduation. Nagsabi kasi ako na I'm going home right after the graduation. Kaya nagka idea sila na pumunta kaming lahat dito. Pumayag ako, gusto ko rin uminom. After kong makita at malaman ang lahat kanina.
I feel betrayed. All this time, si Diane pala ang ex ni Eli? And he didn't bother to tell me? I thought they were just friend, I mean 'bestfriend'. Hindi ako aware na bff with benefits pala sila. Nakakasuka.
Napairap na lang ako sa kawalan ng maalala ko iyon. Sawa na ako umiyak. Parang naubos ang luha ko kanina right after kong malaman na si ate girl na ahas, ay dating kalaguyo ni gago.
"Bakit naman kasi uuwi ka na agad ate Spice"
Napatingin naman silang lahat sa akin dahil sa sinabi ni Veronica. I know naman na halata ang pugto ng mata ko but they are not asking why, so maybe may kaniya kaniya silang version sa utak nila. Ngumiti muna ako bago magsalita.
"Kikitain ko kasi yung blockmates ko eh. May activity kasi kami sa major sub."
Lies. Wala naman talaga. Gusto ko lang magpahinga. Change of plans, because of what happened earlier. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala.
Napatingin naman ako kay Shantal at nakatitig lang siya sa akin. I just ignore her gazed and drinked the vodka that I am holding.
Napansin ko naman si Chloe na kanina pa may ka-text. While Kuya Jim and Kuya Vern are just talking about something.
"Hey"
Napalaki ang mata ko ng makita ko si Eli na nakatayo sa table namin. Napabaling ang aking tingin kay Kuya Jim na ngayon ay nakatingin na sa amin.
"Umalis ka na Eli, please. "
"No"
Napapikit naman ako at tumayo. Nakita ko ring napatayo na din sila Kuya Jim at Chloe sa kanilang upuan.
"I can handle this please. " I warned Kuya Jim. Kasi the way he looked, anytime masasapak niya si Eli.
Lumabas ako ng bar at sumunod sa akin si Eli. "What the fuck are you doing here? "
Alam kong ramdam niya ang inis sa boses ko. Dapat lang, after kong makita yung nangyari, tapos magpapakita siya sa akin ng ganito? Is he torturing me?
"Please babe, let me explain. " he said as he trying to calm me.
"Tigilan mo muna ako please, kahit ngayon lang"
Naramdaman ko na naman ang mga luhang nagbabadya sa aking mata. Pain striking my heart again. Unti-unti na namang bumibigat ang nararamdaman ko.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?