Uwian na namin at hanggang ngayon wala paring paramdam si Eli. Buti na lang at hindi tinatanong ng mga friends ko ang about sakaniya, baka nararamdaman din siguro nila.
"Spice, sorry ha, di kita mahahatid. " Chris said.
"Okay lang, kaya ko na 'to bitbitin nabawasan na naman kanina" sabi ko sabay taas sa mga paperbags galing sa mga nagbigay kanina. Nagpaalam na rin ang lima at sabing uuwi na sila. Pero hinala ko talaga ay may kaniya kaniya iyong lakad.
Nang nakalapit na ako sa gate, natatanaw ko ang isang pamilyar na kotse. Patakbo akong lumabas at nakita ko si Eli na nakasuot pa ng jersey short at plain black tshirt. May bitbit siyang bouquet ng flowers. Nakatalikod siya sa akin at tumatalon talon pa. Kinakabahan ba'to?
"Eli!" I shouted and runned towards him. Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
"S-spi--"
Napakunot naman ang noo ko dahil natigil siya. "What the--" sabi niya sa akin sabay higit ng mga paper bags na hawak ko. Sinilip niya iyon isa-isa.
"Saan 'to galing? " sabi niya na parang nafrufrustrate. Napangisi ako. "Bigay. " I said. Napaangat naman siya ng tingin at tumitig sa mata ko. "When we already together, wala nang ganto ha" he said and patted my head. Napakagat na lang ako sa labi para pigilan ang ngiti ko at tumingin sa sahig.
"I'm sorry Spice, nalate ng kaunti, dahil nagpractice pa kami eh, laban na sa may" Oo nga pala, may laban nga pala sila.
"It's fine ano ka ba, atasaka alam mo naman ang priorities diba. Dapat nga di ka na pumunta dito eh"
"Aba, ayaw mo kong makita? May iba na ba? Sagot! " he said and chuckled. Napairap na lang at napatawa na din. May saltik talaga 'to minsan. Nagulat na lang ako ng hinigit niya ako at yinakap.
"Sorry, alam kong kagagaling ko lang sa practice, pero I can't help it. Nagpalit naman ako ng tshirt. " He said. I grinned and hugged him back.
"Happy Valentines, Babe" he softly said. Napangiti naman ako. Wala na talaga. Finish na. Hulog na hulog na.
"Happy Valentines" sabi ko naman. Puputulin ko na sana ang yakap nang mas lalo niya akong hinila palapit sakaniya. "5 minutes" he said and he buried his face in my neck.
Nagsitayuan ang mga balahibo ko. Naramdaman ko na naman ang kakaiba sa aking tiyan. Nakikita ko rin na napapatingin na din sa amin ang mga taong dumadaan.
"Are you okay, Eli? Is there something wrong? "
"I'm fine Spice. "
"Dapat kasi nagpahinga ka na lang"
Pinutol na niya ang pagkakayakap namin. He suddenly grabbed my right hand at ang isa niya namang kamay ay nakahawak sa left cheek ko.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?