XXXIII

198 36 0
                                    

Inaayos ko ang mga gamit ko para sa meeting. Ipa-finalize na namin ang mga bagay bagay, nagkaayos naman na kami sa built ng hotel, suites and rooms. Mga gagamitin para sa construction na lang. Nagsabi na rin ako na kung pwede ay i-adjust ang construction by next next week, because to be honest hindi ko pa nadadalaw ang site. Naging busy din kasi ako para kausapin ang mga makakasama ko sa project.


"Tara na." sabi ko kay Ryan na nasa harap ko. Kasama na rin siya sa meeting dahil siya ang makakasama-sama ko sa site.


Sabay kaming pumunta sa conference room. Ilan ilan lang din ang mga tao dun dahil wala pa sila Eli and Diane. Wala pa rin si Tito Steve, mukang napaaga nga kami. Ayoko rin kasing maulit ang nangyari nung huling meeting.


"Paano ka magfa-file ng leave eh mukang minamadali ang project." I leave my eyes on my notebook and look into his eyes. "Ako na bahala, malakas naman ako kay Tito." I said with confidence.


Napaangat lang siya ng kilay at ako naman ay tumawa. "Ikaw na," sabi niya at hinampas ko siya ng mahina sa kaniyang braso habang tumatawa rin. Nakwento ko kasi sakaniya na mag-cocoron ako. Iniinggit ko nga siya kaya tawa kami ng tawa. Napatigil kami sa asaran ng may biglang nagsalita sa unahan.


"Can we start?"


Nagulat ako ng makita ko si Eli na nasa unahan na at si Diane naman at nakaupo na sa kabilang side ng table. Pinaikot ko ang aking tingin at kakaunti pa lang ang mga tao dito. Napabalik ako muli ng tingin kay Eli at nakatingin din siya sa akin.


"How about Engineer Santiago?" sabi ko, dahil wala pa si tito at iba pang kasa-kasama niya.


"Did you receive his message? May errands daw siya with his team." Sabi niya at dali dali kong binuksan ang aking phone. Meron ngang text message si tito at hindi ko ito nabasa. Napakagat ako sa labi dahil sa kahihiyan.


"Know all your priorities, bago kung ano ano ang gawin." Sabi niya sabay tingin kay Ryan at bumalik sa akin. Ramdam ko ang iba pang mga mata na nakatingin sa amin. Is he doing this for a purpose? Bakit niya ako lagi pinapahiya.


"Anyways, sa akin iniwan ni Dad, and Engineer Santiago ang meeting for today. Kung ano man ang mapagusapan ngayon ay final na at hindi na babaguhin para mas mapabilis ang construction ng hotel."


Sinundan ko siya ng tingin habang papunta sa kaniyang laptop upang ilipat ang slides. I can't still believe na nakakasama ko siya, na makakatrabaho ko siya. Pero alam ko namang hanggang dito na lang, after this wala na, wala na talaga.


"So, let's talk about the aesthetic of the hotel, of course we also need to consider the properties of the materials, kailangan kasi pangmatagalan." Nagulat ako nang biglang nagkasalubong ang aming mga mata. "Any suggestions Engineer Mendoza?"


Nanlamig bigla ang aking katawan. Para bang lahat ng dugo ko ay umakyat sa aking ulo. Nananadya talaga siya!


"Ah, I think for the construction of the hotel, si-since gusto nga nila na may pagkatouch na Filipino, I'll go for industrial look, Fo-for the entrance I think..." napahinto ako ng pagsasalita dahil nakatitig lamang sa akin si Eli. Medyo naiilang pa rin talaga ako sakaniya. ".. I think that maybe we can use the softwood, particularly softwoods from the cypress family. L-like the cedar and redwood, they are ideal for exterior projects such as decking and outdoor furniture."

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now