Nagaayos na ako ng gamit ko dahil aalis na ako ngayon. Susunduin ko din si Chris sa mga tita niya dahil sa akin siya sasabay pauwi. Hindi na ako naka attend sa graduation ni Veronica, naiintindihan naman nila ang sitwasyon.
"Sure ka bang ayaw mo magpahatid? Pwede ka naman ihatid nila Kuya Vern, I know you are already tired Spice. "
Sinara ko na ang bag ko at linagay ito sa kama. Tumingin naman ako kay Chloe ngayon na nakaupo sa gilid ng kama. Pugto rin ang mga mata nito. Gusto ko man tanungin kung bakit, ngunit mukang ayaw niya naman itong pagusapan.
"No need. Ayokong makaabala, okay lang. " I said and gave her a sad smile.
Pumasok ako sa banyo para kunin ang mga gamit ko nang makarinig kami ng ingay sa labas.
"Bakit ang ingay sa labas? tara tignan natin bilis! " Nagpahila na lang ako kay Chloe hanggang sa makarating kami sa baba.
"SPICE PLEASE! MAGUSAP TAYO! "
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Eli na ngayon ay kaharap si Kuya Jim, Kuya Vern at Shantal.
"Tangina! Ilang ulit ko ba sasabihin sayong wala nga dito si Spice! " Napatakbo ako ng kwinelyuhan ni Kuya Jim si Eli.
"SPICE PLEASE MAGUSAP TA-"
"KUYA JIM!" sigaw ko nang sinapak niya bigla si Eli. "Why are you here? Pumasok ka sa loob. Ako na bahala sa gagong 'to." Lumapit ako kay Eli at inalalayan siyang tumayo.
"Spice, pumasok ka na sa loob. " Hindi ko pinapakinggan si Kuya Jim at nakatuon ang pansin ko kay Eli. Amoy alak ito, pero alam kong nasa katinuan pa rin siya.
"Spice sabi--"
"ENOUGH! Kaya ko na 'to. Ako na makikipagusap. "
"But-"
"Please, ako na. "
Tinapunan naman ng masamang tingin ni Kuya Jim si Eli bago sila umalis. Humarap ako kay Eli at ngayon ay nakatingin din pala sa akin. He looks so frustrated. Gusot gusot ang kaniyang damit at parang wala siyang tulog.
"What you are doing here? Hindi pa ba malinaw sayo na wala ng tayo? "
"Tayo? Meron pa tayo Spice" he said and held my hand.
"I already make it clear, didn't I? Tapos na tayo Eli, iniwan kita kagabi remember? " Napakagat ako sa labi ko para pigilan ang mga luha ko. This is the best decision, please don't make it hard for me, babe.
"I don't remember anything, Ang alam ko lang maaayos natin 'to" Napapikit naman ako sa sinabi ni Eli. "Tangang-tanga ka na ba ha? TAPOS NA TAYO!"
"As far as I know, you didn't break up with me."
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?