"Kailangan ba talagang ganiyan ang suot mo?"
Napatingin naman ako sa aking suot. I was wearing a white two piece, pero may suot naman akong short shorts and a white see through halter dress. Tatanggalin ko na lang ito kapag magsuwimming na kami sa lakes and lagoons.
"Bakit? Anong masama?" tanong ko pabalik ngunit umiling na lang siya at umiwas ng tingin.
Nang makarating kami sa lugar ay napasinghap ako sa sobrang ganda. Itinerary namin 'to ni Chris kaso, wala siya. Ayun pala, nakiusap 'tong si Eli kay Chris na siya nalang ang sumama, I don't have any idea na magkakilala pa sila. I mean nakukwento ko pero, hindi yung to the point na pwede humingi ng favor. Hindi rin ako makapaniwala sa confession niya, na siya ang unang nagkagusto sa akin, because I thought it was me. Pero hindi pala, siya pala. Napangiti ako ng bahagya dahil sa naisip ko.
"Grabe, babalik-balikan ko 'tong lugar na 'to." I said while roaming my eyes on the surroundings. "Natin, babalik-balikan natin." He said.
Sa loob nang Isang linggo at limang araw ay sinulit talaga namin ang Coron. Grabe, ang ganda ng lugar na 'to. It was very refreshing, makakapag-unwind ka talaga. Hindi mo aakalain na nageexist ang ganitong lugar sa mundo, muka siyang paraiso. We already explored and experienced the World War II Japanese Shipwreck, we also visited the Dimakya Island and Calauit Island, where Calaui Safari Park located, and especially explored the coral gardens.
At ngayon, naghahiking naman kami, which is hindi ko talaga trip. Kasi nga matatakutin ako sa mga heights. Isa ito sa dahilan kung bakit hindi ako masyadong mahilig mag-adventure.
"Nandito na ba tayo sa tuktok?"
"You were asking that for like ten times babe, wala pa nga tayong 15 minutes na nglalakad eh."
Napairap na lang ako muli at tinuloy ang paglalakad. Kaya pala sinasabi sa akin ni Chris na kailangan ko magkaroon ng pangzumbang outfit ay para pala dito 'yon. May itinerary rin pala siya. Nakakainis. Ilang minuto pa ay napaupo na ako sa batuhan dahil sa sobrang pagod. Napalingon naman siya sa akin at napailing.
"You're still the same Spice I met seven years ago" natatawa niyang sabi. "Eh, nakakapagod naman talaga eh." I said and rolled my eyes. "Papahinga lang ha, hindi susuko." Sabi niya at pinunasan ang pawis ko sa noo.
Hour has been passed at nagulat na lamang ako dahil nabunggo ko si Eli, na tumigil na pala sa paglalakad. "B-ba—" napatigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang ganda ng paligid. Ilang minuto akong natutula ng bigla kong maramdaman ang pangangatog ng aking tuhod.
"Mga ma'am at sir, andito na po tayo sa tuktok ng Mt. Tapyas." sabi sa amin ng tour guide.
The scenery of the place was breath taking, grabe talaga yung ganda nitong lugar na ito. Akala ko nakita ko na at nasulit yung ganda ng Coron, p-pero nang makita ko ang place na ito, grabe, laking kulang kapag hindi mo ito napuntahan.
Lalapit pa sana ako nang mapatingin ako bigla sa baba, shit. Napakapit ako kay Eli dahil ramdam ko talaga ang panginginig ng aking tuhod. "Shhh, babe it's okay." Eli said and wrapped his arms around me. "Just concentrate in the view, wag kang titingin sa baba" he said again.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?