Kwinento ko kay Chris ang lahat ng nangyari kagabi, and also my whole journey in the past seven years, siya rin nagkukwento tungkol sa buhay niya, na sabi niya na kaunting tiis na lang daw talaga ay isa na siyang ganap na doctor. Of course, as a best friend, I'm so proud of him. Hindi ganon kadali ang mga pinagdaanan ni Chris sa buhay, and I witnessed all his ups and downs. He really deserves to be successful.
"Hala anong oras na pala."
Hindi ko namalayan ang oras, hapon na kasi ako nagising kanina, it almost twelve midnight and I have work tomorrow. Sa sobrang dami kong chika at sobrang miss namin ang isa't isa ay hindi na namin namalayan ang oras.
"Hatid kita bukas?"
"Sure, handa mo na rin tickets ha! CORON PALAWAN! HERE WE COME!" I shouted and he laughed.
Napagkwentuhan din namin kanina about our short vacation. Nagtatalo pa kami kung sa Batanes ba or Palawan. Siyempre panalo ako! At sagot niya lahat! Aba, siya kaya itong magdodoctor.
Nagpaalam na si Chris at dumiretso na ako sa kwarto, nakaligo naman ako kanina bago kami nagsimula magkwnetuhan, ang hindi ko nagawa ay i-charge ang phone ko, nakasanayan ko naman na talaga na whenever I'm here, hindi ko masyado hinahawakan ang phone ko. Sinusulit ko ang every weekend break ko. Nakakastress din kaya gumuhit, nakakaubos ng idea, but on the other side, I'm so blessed dahil nasurvive ko at narating ko ang gusto kong marating sa buhay. Not anyone has the privileged to pursue their dreams, kaya naman kahit nakakastress, go lang.
-
"Late ka na?"
Nandito na si Chris sa tapat ng bahay naming dahil nga pangako niya na siya ang maghahatid sa akin. Gamit niya sasakyan ko. Magcocommute na lang daw siya papuntang Laguna, since doon niya iniwan yung sasakyan na pinahiram niya sa mga pinsan niya nang umalis siya sa bansa.
"No, not in a hurry, wala namang time ang pasok ko."
"Wala ka ng nalimutan?"
Inisip ko ang mga dapat kong dalhin at chineck ang bag ko.
"Shit, my phone."
I run back to our house at diretsong pumunta sa kwarto, naiwan ko itong nakacharge kagabi. Sobrang drained niya. I immediately put my phone and charger on my bag. Naging smooth naman ang biyahe at nagusap lang kami ni Chris about our Palawan trip. Mas lalo tuloy akong naeexcite.
"Lyn!"
Kapapasok ko pa lang sa building at nakaalis na rin si Chris. Hindi na siya pumasok at pinapabati niya na lang ang sarili niya kay Tito Steve. Nakita ko si Ryan na tatakbong papalapit sa akin.
"I'm calling you since Saturday night, naka-off yung phone mo. Anong bang nangyari sayo Lyn?"
Napatingin ako sa paligid at nakitang tumitingin-tingin na sa amin ang mga tao. Nang marealize niya na medyo napalakas pala boses niya, ay inayos niya ang kaniyang tayo at inayos ang color ng kaniyang polo.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?