"Kung gusto mo sunduin na lang kita para sure" Eli said over the phone.
Graduation na nila kasi sa isang araw. He invited me at magkakaroon ng kaunting celebration. Sinabi niya din na ipapakilala na niya ako sa parents niya. Nakakakaba, baka hindi nila ako magustuhan.
"Babe, wag na. I'll drive na lang. Tutal pupunta na din naman ako bukas sa laguna. " I said at humiga sa kama. Graduation nila Kuya Jim at Kuya Vern tomorrow. Sa isang araw naman sila Eli. Hindi ko alam kung paano haharapin sila Tita, ayaw kasi pasabi ni mom ang nangayari sa kanila ni dad. Tanging si Chloe lang ang nakakaalam.
"Hindi na naman tayo magkasama ngayon" he said and sighed.
It's our second monthsary. March 31, naging kami and also his birthday. Medyo alanganin nga kasi ilang months lang ang may 31 na araw, but we decided that if there is no 31, we will celebrate it every 30. First monthsary kasi ay naging busy siya sa practice ng basketball na hindi man lang siya nakapaglaro.
"It's fine babe, marami pang months na darating, babawi tayo" I said.
"It's not fine with me. I want to celebrate our every monthsary with you. Feeling ko tuloy nagkukulang ako sayo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Never kang nagkulang sa akin, sobra sobra ka na nga eh" I said and chuckled. Narinig ko rin naman siyang napatawa sa sinabi ko.
"Well, see you soon babe, i love you. Babawi ako. "
"See you soon babe, i love you too. Babawi rin ako." I said and ended the phone call.
Napatitig ako ngayon sa malaking box na nasa harap ko. Ginawa ko 'to as his graduation gift. Effort kung effort. Sabi ko kasi talaga sakaniya babawi ako. Inside of this box are chocolates, some engineering books and a pair of basketball shoes.
Bumaba na ako para magluto para sa sarili ko. Magpapasama din ako kay Yen para bumili ng dress na susuotin ko sa graduation ni Eli. Kinakabahan talaga ako sa mga parents ni Eli. Alam ko na kung anong nararamdaman niya nung mga panahon na 'yon.
-
Nandito na ako sa Laguna, kakatapos lang nang graduation nila Kuya Jim and Kuya Vern. Nagpasalamat pa nga sa akin si Kuya Jim at ako naman ay nagkibit balikat lang at napakunot ang noo. Kapag naaalala ko talaga iyon ay mas nakokonsensya ako.
"Paano ka makakapunta bukas? " Chloe asked. Napatingin naman ako sakaniya at kinuha ang mga chips sa harap ko. "Uuwi na rin naman ako ng batangas tomorrow, dadaan na lang ako dun bago umuwi" I said and grabbed my phone.
Nakita ko na may bagong post si Eli sa tiktok. Mga video ito through out his college days. Nakita ko mga picture niya na kasama sila Charles at Diane. I know Diane dahil minsan ng pinakita ito sa akin ni Kiana sa picture. Kaya naman kahit hindi ko pa siya nakikita sa personal ay kilala ko siya.
Nagbonding lang kami ni Chloe dahil ang mga pinsan namin ay nagkaroon ng celebration with their friends. Inaaya nga kami kaso humindi ako. Alam kong maa-out of place lang ako, kaya sinamahan na lang ako ni Chloe sa bahay.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?