It's been three days since Eli and I stopped communicating each other. Although chinecheck ko pa rin ang mga social media accounts niya, pero wala rin namang kwenta dahil hindi naman siya nagaupdate. Even on tiktok ay hindi na din siya nagaupload.
Nakakapatawa lang na hindi pa nga kami naguumpisa, natapos na agad ang lahat. Kaya siguro he stop talking to me kasi sinabi ko na hindi siya pwede manligaw, sino nga ba naman ang magpupumilit kung marami siyang option diba?
Last day ko na ngayon at bukas uuwi na ako, nakapagbonding na din kami ni Chris at hindi ko na din kwinento sa kaniya yung about kay Eli kasi para san pa? Wala na rin naman. Nandito ako ngayon sa kwarto at nakikipaglaban sa sarili kong katawan kung babangon na ba ako o hindi.
"Spice! Wake up!" I heard Chloe knocking the door. She open it and I just looked at her walking towards my bed. "Oh, I thought tulog ka pa.. Well samahan mo ako, may date kami ni Charles. " Chloe giggled.
"Hala, gagawin mo pa akong third wheel" sabi ko sakaniya sabay irap. "Ay ang bitter" she said and chuckled.
Nakwento ko na din kasi sakaniya ang nangyari. Sabi niya daig pa daw namin ang may relasyon, misunderstanding lang daw. Tss, kung misunderstanding lang pala eh bakit hindi man lang siya nagtext or nagchat man lang? Wala, pinuputol niya na talaga. Hindi nga man lang umabot ng isang linggo, buti pa ang joy abot kahit hanggang dalawang linggo.
"Nagaya kasi sila Kuya Jim today, ang sabi ko magbabonding tayo kasi last day mo na." dagdag niya pa. I just rolled my eyes. Kung hindi niya lang kami pinagtakpan dati ni Eli hindi ako papayag ngayon. Urgh! Puro na lang Eli!
I just nodded at hinila niya naman ako pataas para yakapin. "Great! Now, get ready! "
-
"Para kang kiti kiti jan. "
Nagcommute lang kami at itong si Chloe ay halos hindi magkaugaga, panay text at tawa. "You know what Spice, ang bitter mo talaga. Ganito ka rin naman ah" Napatigil naman ako. Ganiyan ako dati? Eh di para din pala akong tanga.
"Oh hello... " sabi ni Chloe na may kausap sa phone.
Bumaba na kami at naglakad papuntang entrance ng mall. Napasinghap ako ng natatanaw ko si Charles at... Eli. Napatigil ako sa paglalakad at nilingon naman ako ni Chloe.
"Ano 'to? Set up?" tanong ko sakaniya. "Hehe parang ganon na nga girl, si Charles nagplan ne'to. Sabi niya kasi ay parang may mali raw kay Eli lately, tas chinika ko yung nangyari sainyo and we came up on this. Ako pa ba ba tatanggi, it's like hitting two birds in just one stone. " napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Makakapgdate kami ni Charles plus maaayos niyo ang misunderstanding niyo ni Eli bago ka man lang umalis dito"
Nang makalapit kami sa kanila, nagulat din si Eli, at kunot noong tumingin kay Charles.
"Hi!" bati ni Chloe sa kanila. This is so awkward. Shit.
"Maiwan na muna namin kayo." Charles said. "WHAT?" sabay na sabi namin ni Eli. We looked each other and quickly looked away.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?