One-week na ang nakalipas at one-week na rin akong walang tulog. Hindi na nga ako nakauwi nung weekend dahil nga sa ginagawa ko. Ready ako in terms of ideas and sketches, nasabi na rin naman kasi ito two months ago, napaguusap-usapan. But, I'm not ready to the people I'll be working with. Hindi ako bitter o ano pa man. It just that it is so uncomfortable, nagiging honest lang ako. I'm not capable to control my reactions especially when my emotions are on peak.
"How can you look haggard and beautiful at the same time?"
Napaangat ako ng tingin and I saw Ryan holding a two cup of coffee. Siya kasi ang kinuha kong structural engineer na makakasama ko sa project. Gusto ko naman na may makasama ako ng komportable ako, hindi yung puro pressure na lang ang mararamdaman ko. Baka kapag nasa site na kami ay tila ba parang tuod ako at kontrolado ang buong galaw.
"Well, genes" I said and smirked. Tinuon ko na muli ang aking pansin sa ginuguhit ko. Meron naman na talaga akong hinandang sketches, pero naghahanap ako ng mga better ideas. Mas dumoble kasi talaga ang pressure dahil... kila Eli na company pala ang ka-collab namin at pagmamay-ari naman ng mga Santillan ang hotel. Parang set up ang lahat ng nangyayari sa akin. I don't know, nawiwindang ako sa mga nangyayari lately.
"Ang kalat mo, tsk. Tsk, parang hindi ikaw" Tumingin ako sa paligid at nakita ko nga ang mga crumpled papers na tinatapon ko sa sahig kapag hindi ko nagustuhan yung sketch o nagkamali. "Why are you pressuring yourself? hindi naman ikaw 'to ah." He added.
Pinulot niya isa isa ang mga papel na nakakalat hanngang sa makalapit siya sa akin. Nakatingin lang ako sakaniya, pinipigilan kong tumawa dahil halatang halatang nahihirapan siya sa pagyuko dahil sa pantalon niya.
"Dito pa oh, Ayan, ayan, 'yan, yan!" I said while forcing myself not to laugh.
He stopped picking the crumpled papers and walked towards my direction. He looked at me with his sharp eyes. Oh-oh.
Napatayo ako dahil sa kaniyang reaksyon, tatakbo na sana ako ng biglang niya akong hinigit. Napasigaw tuloy ako at napatawa. Napaupo ako sa lamesa at nakatingin sa kaniya.
"Okay, okay enough. I'm just joking, you are still the ruler master" I said and rolled my eyes.
Napatawa din siya sa sinabi ko. Tinulak ko na siya paatras dahil masyado kaming malapit sa isa't isa ngunit nakatingin pa rin siya sa aking mga mata, at bumaba sa aking mga labi.
"Lyn-"
Sabay kaming napatingin sa pinto ng aking opisina. It was Tito Steve and Eli. Napatayo ako agad at tinulak si Ryan ng malakas. Ewan ko, bakit feeling ko may ginagawa kaming kasalanan kahit wala naman.
"Oh, andito rin pala si Engineer Villiafuente" bati ni Tito Steve kay Ryan.
"Dinalhan ko lang po ng coffee si Lyn—I mean Engineer Mendoza."
"I see, ah nga pala, ikaw ang kinuhang structural engineer ni Lyn ano?" sabi ni Tito Steve. Pumasok na sila ng tuluyan sa aking office, napatingin tuloy ako sa paligid, meron pa ring mga kalat ngunit iilan na lang. Pupulutin ko na sana ang mga iyon nang pigilan ako ni Ryan.
YOU ARE READING
DUBBED (Social Media Series #1)
General FictionSocial Media Series #1 [COMPLETED] A girl named Spice suddenly catched feelings on a boy who she have only seen once, and take note.. it was just only on a TIKTOK app. Will universe allow them to meet one another?