XL

295 25 3
                                    


A/N: Pagbibigay pugay sa mga taong hindi pinili. Charot.


Ryan's POV


"So, this is Engineer Spice Lynell Mendoza, you can call her Engineer Mendoza, at kapag sa outside world ay you can call her Lyn" natatawang pakilala ni Engineer Santiago.


Napatingin ako sa isang dalaga na katamtaman ang tangkad, kita sa kutis nito na anak mayaman. Unang tingin, mukang maarte. Parang inhinyero na pang-office lang, hindi 'to pwede sa site. Umiwas ako agad ng tingin sa kaniya.


Bali-balita naman na talaga na may bago raw magiging employee sa company at pamangkin daw ito ni Engineer Santiago. Matagal tagal naman na akong nagtatrabaho ngunit hindi ako pamilyar sa kaniya. Sabi ay dito daw 'yan nag-ojt ngunit parang hindi ko pa talaga siya nakikita. Sabagay, puro trabaho lang naman ako, diretso mini-stop o seven eleven kapag lunch, balik na ulit sa trabaho pagkatapos. Minsan lumalabas labas kasama si Engineer Santiago kapag nagkayayaan.


Simula kasi nung magkahiwalay kami ng girlfriend ko, wala na akong ibang ginawa kundi magtrabaho. Nakamove-on naman na ako sa kaniya matagal na, sadyang wala lang talaga akong pagbuhusan ng atensyon kundi trabaho lang. Hindi rin kasi ako masyado palakaibigan, nakakaintimidate rin daw kasi ako kasama. Kaya bad news para sa kanila kapag ako ang nakakasama nila sa project.


"Bakit hindi pa nabibigay yung sketches? Deadline na bukas ah?" sigaw ko.


"Engineer, k-kasi w-wala pa po binibigay si Engineer Mendoza."


Napapikit ako at bahagyang napahawak sa batok. Ilang beses na kami nagmeeting about this project. Sa pagkakaalam ko ay nagbigay ako ng oras para magpi-prepare sila. Sa akin nag-reach out yung client kaya naman hindi maaaring pumalpak ito.


Tumayo ako sa aking kinauupuan at dali dali akong pumunta sa office ni Engineer Mendoza. Hindi maaring idahilan lamang na bago siya. Sinabihan din naman ako ni Engineer Santiago na ako ang magturo ng galawan dito sa company. Sadyang mahirap ito, kasi you work with pressure pero wala eh, pinasok niya ito.


Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok. "Engineer Me---" napahinto ako sa pagsasalita ng makarinig ako ng hikbi. Ang kalat ng sahig, puro papel. Nakita ko siyang nakaubob sa kaniyang lamesa. Dahan dahan niyang inangat ang kaniyang ulo, kalat kalat na ang kaniyang make up sa muka. Bakas sa kaniya ang gulat at tila ba anytime ay iiyak na muli ito.


Lumukot ang kaniyang muka at umiiyak muli, "Sorry", paulit-ulit niyang sinasabi at simula noon, nagbago na ang takbo ng buhay ko.


Halos araw-araw na kaming magkasama. Siya lagi ang kasama ko sa field. Mapa-araw o minsan umuulan, ay ready siyang pumunta sa mga site. Nalaman kong hindi naman na pala siya ganoon kaarte, willing siyang matuto, siya rin pala ang nagrequest kay Engineer Santiago na magsimula sa mababa at doon nagsimula ang akin paghanga.


Well, physically she's stunning, with her height, figures, and the features of his face is absolutely you would fall for, but she was more than that. She was also a family-oriented, kahit napaka-hassle umuwi sa Batangas kung saan talaga siya nakatira ay uuwi siya para lang makasama ang mama niya. Also, she was matured enough to accept her mistakes, minsan nakikipagdebate siya pero pagnapatunayan mo na mali siya, marunong siyang humingi ng pasensya. Lastly, she is dedicated to work, kaya naman hindi na nagtagal ay naging project engineer na rin siya.

DUBBED (Social Media Series #1)Where stories live. Discover now