"Escaping doesn't mean letting go of the pain. It means you're not brave enough to face the truth."
-
"No, Shaneen! Mag-aaral ka sa RMC High School, sa ayaw at sa ayaw mo! Ano, gusto mo sa Woodville? I checked their environment and it's dirty. You are studying at RMC High School! Mayayaman ang mga estudyante roon!"
"B-But Mom.."
"No buts! Bakit ba gustong gusto mo sa Woodville, ha? Dahil ba doon nag-aaral ang mga kaklase mo noong elementary? Oh my goodness, Shaneen! Talaga bang ipapahiya mo kami? Kung ayaw mo mag-artista, huwag mo kaming ipahiya! Nakasalalay ang career ng pamilya natin dito!"
"O-Opo," sagot ko na lang.
Ayokong makipagtalo kay Mommy dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa kaniya. She always thinks about their career. Our family's career. Yeah, mga artista at modelo sila. Magaganda ang imahe nila sa karamihan kaya ayaw nila 'yong masira. Pero paano naman ako? Paano yung mga sarili kong desisyon? Hindi man lang ba nila naisip 'yon? Hindi man lang ba nila naisip na ayokong maging artista katulad nila?
Kasi ako, gusto ko maging doktor. Kaya nga pinagbubutihan ko ang pag-aaral ko para ipakita sa kanila na kaya kong maging isang doktor. I always dream of taking Medicine or Med School in the states. I know someday, mag-aaral ako ng Medicine sa States.
Gusto ko sa Woodville High School dahil kaunti lang ang estudyante roon. Ayoko ng maraming atensyon. Dahil sa bawat hakbang ko, ang lagi nilang sinasabi ay..
"'Diba ikaw yung bunsong anak ng mga Meritt?"
"Pa-autograph naman sa Kuya mo! Pakisabi na crush ko siya."
"Omg. Fan na fan ako ng Ate mo, ang ga-ganda ng mga outfit-an niya."
"Grabe yung bagong teleserye ni Maggie Meritt! Sobrang taas ng ratings!"
Pagod na ako. Pagod na pagod na akong ngitian sila para hindi naman sumama ang expression nila sa akin— or should I say, sa amin. Ayaw ng parents ko na nadudungisan ang pangalan nila, lagi silang nasa 'center stage'. Katunayan ay may bagong movie si Mama at Papa, sobrang taas ng ratings. Guess what, dahil sikat na loveteam sila nung kabataan nila at hanggang sa nagkatuluyan.
Ang panganay kong kapatid na si Kuya Shaleen, ay sikat na actor at singer. May banda sila, doon siya sumikat hanggang sa naipalabas na rin siya sa mga TV shows. Ang sumunod kay Kuya ay si Ate Shani, sikat na model ng iba't ibang sikat na brand ng mga damit. Halos lahat ng mga Ate ng kaklase ko noon ay hinahangaan si Ate Shani at ginagawa ay pormahan niya.
And me, I'm just a simple girl who wants to be a doctor someday. Pinipilit ako ng pamilya ko na mag-artista o kaya model dahil maganda naman daw ako at kulay nyebe ang kutis ko. But I refuse. As I said, I don't want too much attention. I want to stay lowkey.
Kaya nang mag-pasukan. Wala akong nagawa kundi sundin ang utos ni Mommy. Nandito na ako sa harap ng school na sinabi niyang RMC High School. Maganda naman ang eskwelahan, maganda ang uniform, maganda ang mga buildings. Pero ang mga gusto ko ay hindi umaayon sa mga ginagawa ko.
"Pitikin mo nga noo ko, Ace. Dito mag-aaral si Shaneen Meritt?!"
"Grabe! Crush na crush ko ang Kuya niya, kilala niyo? Si Shaleen Meritt! Uh, paki-sabi sa Kuya mo ay apakan niya ako, ako na magt-thank you!"
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...