"Hey hey hey! Get up. Anong oras na, oh! Maiwanan ka pa ng flight mo," boses ni Ate ang sumalubong sa akin ngayong araw."Five minutes," tamad kong sabi.
Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at pinagpatuloy ang pagtulog. Pero sadyang determinado ang kapatid ko na gisingin ako kaya kinurot-kurot n'ya ako sa braso.
"Get up! Inayos ko na ang mga damit mo na susuotin. 'Wag kang tatamad-tamad d'yan Shaneen Monixa! Porket hindi kasama si Parker sa trip n'yo ay gan'yan ka na!"
Wala akong nagawa kung hindi ang bumangon.
"Maligo ka na, may laway ka pa sa pisnge mo," bungisngis n'ya.
"What the hell," singhal ko bago dali-daling pumunta sa harap ng salamin kung totoo ang sinasabi ni Ate.
Napasimangot ako nang wala naman akong makitang laway. Nilingon ko si Ate at nakangiti lang s'ya sa 'kin habang binibigay ang twalya ko. Kumunot ang noo ko nang mapansin na kakaiba ang kilos n'ya.
" 'Di ka naman gan'to sa 'kin kapag aalis ako or tayo ah? May kailangan ka ba?" tanong ko.
"Wala! Masama bang pagsilbihan ka? Ayaw mo? Sige! Bye na nga," irap n'ya.
Ngumisi ako. "Joke lang. Hintayin mo ako d'yan, yaya," biro ko.
"Dalian mo!"
"Oo na!"
Nang matapos akong maligo at magbihis sa banyo ay kaagad akong hinila ni Ate sa harapan ng salamin. Nakaupo lang ako habang pinagmamasdan ko s'ya sa salamin na inaayos ang buhok ko.
O... kay?
"Anong gusto mong tali?"
"Kahit ano."
"Hindi ko alam yung hair style na 'yon," she laughed.
"Corny. 'Di bagay. Ponytail mo na nga lang nang matapos."
"Okay po, Ma'am."
"Hey! Ayokong magmake-up," iniwas ko ang mukha ko nang mapansin na may kung anong ilalagay si Ate sa mukha ko.
"Lokaret. Foundation lang 'to, arte arte mo. Halika rito, lalagyan ko na pisnge mo."
"Ayoko nga, e!"
"Dali na. Para fresh ka, ta's malay mo maka-bingwit ka nang French sa France. E 'di s'ya ipalit mo kapag niloko ka ni Parker."
"As if Parker would do that to me," I rolled my eyes.
"Haba talaga hair mo, 'no? 'Di mo alam mangyayari sa future, malay mo 'di ba?"
"Ate..."
"Joke lang. Dali na, lagyan na kita foundation."
"Ayaw ko nga."
"Dali na kasi. Wala namang magbabago sa mukha mo. Parang naglagay ka lang din naman ng polbo."
Sa huli ay pumayag na lang ako. Pagkatapos ay tinignan ko ang sarili ko sa salamin at tama nga si Ate, para naglagay lang ng polbo sa mukha ko. Pero napansin ko na bahagyang pumula ang pisnge ko, dahil din ba 'yon sa foundation?
"Picture tayo sa salamin. Dali. Sister bonding."
"What?"
"C'mon! I'll post it in my IG story."
"And why are you wearing that kind of clothes?" turo ko sa black lace spaghetti strap dress sinamahan pa ng black stilettos heel.
"What's wrong with my clothes?"
"May lamay kang pupuntahan? I don't like your clothes. It seems... I mean, black means very sad, gloomy, or calamitous or maybe black marked by the occurrence of disaster or, characterized by hostility or angry discontent, and such."
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...