Chapter 2

121 12 1
                                    

"P-Parker?"


I halted. I don't know what to react to. Hindi si Avery ang nakapitan ko, it's a boy! It's a fvcking boy. Dali dali akong umalis sa pagkakahawak sa dibdib niya at tumabi kay Avery. Nakayuko ako, mabuti na lang at hindi nakikita ang mukha ko.


"Avery, bakit ka nandito?" tanong nung lalake, bahagya akong tumingin sa kaniya ngunit nang lumingon ito sa akin ay kaagad akong umiwas ng tingin. "Sino 'yang kasama mo? Uh... miss? Okay ka lang ba, may nakalagay na ngang warning tapos hindi ka pa nagi-ingat?"


"Parker!" Avery shouted.


Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng Parker na 'to. Nagda-dahan-dahan naman ako, sadyang sobrang dulas lang talaga. Gwapo siya, oo. Matangkad, oo. Attractive, oo. Maputi, oo. Pero nakakainis ang ugali niya. Okay lang alam na sabihan na mag-ingat ako pero bakit parang ang bastos sa pandinig ko.


"Avery, tara na," hinila ko si Avery para lagpagsan sana si Parker.


"Pagsisisihan mo na sinabi mo 'yon, Parker! Bahala ka riyan!" sigaw ni Avery bago kami tuluyang nakalabas ng pintuan.


Nakita ko pang napatigil si Parker pero hindi ko 'yon pinansin. Ayoko yung way ng pagsasalita niya kanina. Maybe I'm too immature kasi dinamdam ko pa 'yon. I sighed. Masyado lang siguro akong OA. Hindi ako sanay na pinagsasalitaan dahil sanay ako na puro hanga ang natatanggap ko. Pilit kong kinalimutan ang sinabi ni Parker kanina.


"Siya 'yon, Shaneen. Siya si Parker! Oh god, bakit naman badtrip 'yon ngayon? Sayang! Ship ko pa naman kayo. Uy, mabait si Parker sadyang bad mood lang siguro siya ngayon."


I sighed. "It's okay. Hayaan mo na siya."


"Hala wait! Wala pa tayong sundo, aalis ka na agad? Tambay muna tayo rito. Saglit lang, oh."


"Okay."


Umupo kami sa upuan sa bus stop malapit sa McDo. Nakita kong inilabas ni Avery ang phone niya at may kinalikot doon. Dahil mas matangkad ako sa kaniya ay kita ko kung anong ginagawa niya. Hindi naman sa pagiging pakialamera ay nakita kong may kinakausap siya sa Telegram.


averyli : Si Shaneen 'yon! Bakit ba bad mood ka, ha? Olats kana.


parkcapitle : Ha?


averyli : Ha-Happy birthday. Bahala ka, kita ko pa naman love letter mo :P


Hindi nagreply ang kausap n'ya at sineen lang s'ya nito.


"Avery!"


Halos sabay kaming mapatayo ni Avery nang may marinig kaming tumawag sa kaniya. And to my surprise, it's Parker! Mabilis ang paghinga niya at nakatingin siya sa akin. Suot ko pa rin ang pang-disguise ko.


"S-Shaneen?"


I sighed. Syempre kilala niya ako. Nakita ko ang pag-uusap nila n Avery. I stood up. Tinanggal ko ang shades na suot ko, inilapag ko muna 'yon sa bench na inuupuan namin, medyo tinakpan ko rin ang mukha ko ng hoodie. Ngumiti ako sa kaniya at inilahad ang kamay ko.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon