Chapter 11

58 4 5
                                    


"Mamayang uwian ah, sa bahay tayo. May pa-party ako. Charot. May handaan lang naman."

"Sige. Sige. Happy Birthday Eliana!" bati ni Wane.

"Happy Birthday Avery!" si Gabriel.

"Happy Birthday Avery!" bati ko.

"Sad Birthday!" si Attamiel.

Tumaas ang kilay ni Avery. "Bakit sad birthday? Dapat happy birthday 'diba?"

" 'Di naman happy ang birthday mo, 'di ka pa rin kasi pinapansin ni Primo 'diba?"

Avery rolled her eyes. " 'Di ka nga rin pinapansin ni Leina, e. Nagreklamo ba kami? Panget mo talaga!"

"Ano sabi mo? Gwapo ako?"

Napa-irap na lang kami ni Avery dahil sa ka-hanginan ni Attamiel.

Gaya ng sabi ni Avery ay dumiretso kami sa bahay nila pagkatapos ng klase. Sinundo kami ng kanilang van. Habang nasa byahe ay napaka-ingay ng mga kasama naming lalaki.

"Maki-wifi kami sa inyo Avery, ha? Tapos magi-ML din kami."

Inirapan sila ni Avery. "Bahala nga kayo sa buhay n'yo. Si-sirain niyo pa ang birthday ko e."

Speaking of. Kahapon ay gumawa ako ng album na simple. Nilagay ko dun ang mga pictures naming lima kapag gumagala kami o kahit nasa school. Syempre hindi rin mawawala ang message ko sa kaniya. Noong una ay wala talaga ako masyadong maisip na iregalo sa kaniya dahil para nasa kaniya naman na lahat, si Primo na lang wala. Kidding aside, mabuti nga at naging maayos ang paggawa ko nang album. Nagpatulong pa ako kay Ate nun. I'm not into art.

Pagkapasok namin sa bahay nila ay maraming sumalubong na bisita sa amin. Ang iba ay kaibigan ni Avery sa school
namin, mayroon din na mga kaibigan ng Kuya niya. May mga matatanda rin naman pero mabibilang sa kamay ang mga ito.

Humiwalay sa amin ang tatlo, probably, makikipag kaibigan sa ibang bisita. Dumiretso kami ni Avery sa mga magulang niya. Nasa grupo silang ng mga matatanda, nakikipag-usap, maybe business or something? Nang makalapit kami ni Avery ay natuon ang pansin nila sa amin.

"Mom, Dad,"

"Tita Elaine, Tito Raph,"

Ngumiti si Tita at Tito sa amin. Nakipag beso sa akin si Tita Elaine at hinalikan ni Avery ang kaniyang ama. Tahimik lang akong nakatayo habang hinihintay si Avery dahil kausap niya pa si Tito. Pansin ko ang paninitig ng matandang babae sa akin, nginitian ko siya para hindi maging awkward. Naku! Baka nakikilala niya ako.

"Ija, ikaw ba ang anak ni Maggie at Caspere?"

Halos matampal ko ang sarili ko. Baka mamaya ay magpa-greet na ito sa akin kila Mom and Dad. Ngumiti ako at tumango.

"O-Opo," sagot ko.

Pagak siyang tumawa. "Sabi na nga ba at ikaw 'yon. Isa ako sa naging make up artist ni Maggie noong kabataan niya. Siguro hindi niya na rin ako kilala. Kamukha mo ang iyong ina. Ke-ganda mong bata!"

Nakahinga ako ng maluwag doon. Hindi naman pala magpapa-greet, Shaneen. Masyado lang akong assumera. Ngumiti lang ako habang nagsasalita siya, wala ng gusto pang sabihin.

"Uh... Thank you po."

Mabuti na lang at natapos na si Avery sa pakikipag-usap kaya hinila na ako nito paakyat sa bahay nila. Napag-usapan kasi namin na hindi makisalo sa kanila at manatili na lang sa isang kwarto at manood ng Netflix, mas gusto raw 'yon ni Avery. Dahil siya ang birthday girl ay hindi kami makatanggi

"Paano nga pala sila Attamiel, Wane at Gabriel? Iiwan mo na lang doon?"

"Hayaan mo sila. Tayo na lang dalawa manood ng Netflix."

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon