Chapter 31

25 1 1
                                    

Hi! It's been a while since my last update. Sorry for the super late update. : D

(Painful Escape is no longer ON HOLD, I'll update Chapter 32-40 soon)

---

Ako:

Hey, where are you? I'm already here. Please punta ka :)

I typed my message to Avery before entering the bar.

Sumalubong sa akin ang magulong ilaw na kasabay ng tugtog. Maraming tao pero hindi naman masikip dahil malaki ang lugar.

Hindi ko alam kung bakit bar ang pinili nila. Medyo nahirapan akong mahagilap sina Owhen dahil medyo madilim at maraming tao lalo na sa gitna.

Mabuti na lang at kaunti lang ang mga tao sa second floor kung nasaan ang sofa namin.

"Hi," I greeted and seat between Owhen and Cassy.

"Oh, hi Shan!" bati ni Cassy.

I smiled, "Hello."

"Naku! Ang tagal naman ni Dr. Capitle, handa na ang mga tanong ko sa kan'ya!" tawa ni Mylene, isa sa mga doktor na kasama namin.

"Hindi ko talaga akalain na mas gwapo pa s'ya sa personal," dagdag ni Cassy.

Nasa sampu na kami na dumating. Hinihintay na lang si Parker.

"Hala, nand'yan na si Dr. Capitle! Kakapasok n'ya lang ng bar," ani Katlyn ay nag-ayos pa ng buhok.

Naestatwa ako. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang makitang ang bakanteng upuan ay sa harapan ko pa!

Mas lalong naging triple 'yon nang tinawag na s'ya ni Cassy.

"Parker!"

Lumunok ako. Mabuti nalang at nakatalikod pa ako sa kaniya kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko.

"Are you okay Monixa?" Hinawakan ni Owl ang balikat ko.

I looked at him and smiled. "Y-Yes," sinamahan ko pa 'yon ng kaunting tawa para naman hindi halata.

Good thing, I convinced him. He nodded and looked at the back, at Parker.

"Doc,"

Tumayo s'ya. Kita ko sa peripheral view ko na tinapik n'ya ang balikat nito.

Parker chuckled. "Parker na lang."

"Parker," Owhen said with laughter. "Welcome sa pamilya."

Parker chuckled. He slowly walked and seated in front of me. Natahimik ako nang hindi man lang s'ya lumingon sa akin kahit na binati ulit s'ya ni Owhen na nasa tabi ko. Parang wala lang ang presensya ko sa kanya.

Doc, nasa harap mo lang ako. 'Wag ka nang lumingon sa iba.

Pakunwari akong kumuha ng baso at nagsalin ng hindi ko kilalang alak pero kita ko ang pangalan no'n na Black Label. I don't usually drink so I'm not familiar with alcohol brand. I only knew some alcohol brand that they advertised on the Television, like San Miguel Light,  Alfonso and such.

I frowned when he did not look at me just for a millisecond, even though the drink is in front of him. Dapat bang galingan ko pa?

I pouted when I saw the ice bucket beside the Black Label and his phone. The ice bucket is also near to his phone so maybe if I'll touched the ice bucket, he'll going to notice me.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon