"Are you still in love with me?" aniya habang mataman na nakatingin sa akin. Hindi man lang s'ya gumalawa pagkatapos tanungin 'yon. Nanatiling s'yang nakatingin sa akin, hinihintay ang mga sagot ko.
Nanlaki ang mga mata ko at saglit na hindi nagsalita. Umiwas ako nang tingin dahil hindi ko alam ang isasagot ko at masyado akong nahihiya dahil masyado s'yang straightforward.
"W-What?" tanong ko kahit naintindihan ko naman ang sinabi n'ya.
"Are you still in love with me?"
Talagang inulit pa!
"O-Of course not! Uso move on 'no!" umirap pa ako pagkatapos magsalita.
To be honest, hindi ko talaga alam kung ano ang isasagot sa kaniya. Sinabi ko noon na hindi ko na s'ya gusto pero nang malaman na isa s'ya sa mga makakatrabaho ko at makita ulit sa personal ay nagdadalawang isip na ako.
Tumaas ang kilay n'ya at ngumisi. "Really?"
"Y-Yes!" I said ang looked away.
He chuckled. Hindi ko na s'ya nilingon pa at nagkalkal na lang sa phone ko. Nagdasal na rin ako na sana bumalik na si Owhen para mailigtas ako dito sa katabi ko. Tinignan ko nalang ang schedule ko ngayong buwan sa ospital. Wala akong pasok bukas at bukas din ang reunion namin.
Ngumiti ako dahil halos ilang buwan na rin kaming hindi nagkikita kita ng mga kaibigan ko dahil masyado na kaming busy sa mga kanya-kanya naming buhay.
"You're going overseas next week?" aniya, siguro'y nakitingin sa phone ko.
Nilingon ko s'ya. Pinatay ko ang phone ko para 'di na n'ya makita ang iba ko pang schedule. Ngayon ay medyo mas okay dahil iba na ang topic namin. "Yep."
"For?"
"Work."
"Where?"
Kumunot ang noo ko. "As far as I know, nasa bar ako, hindi sa sa interview."
"Sa Japan kayo pupunta? You're with Owhen? Kung work, then bakit hindi kasama si Katlyn?"
"Bakit? Selos ka?" ngumisi ako nang hindi s'ya nakasagot agad.
Walang ekspresyon s'yang tumingin sa akin. Ilang segundo s'yang hindi nakasagot.
"What if I am?"
Umawang ang labi ko. What?
Ako naman ang hindi nakasagot. Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko at muling umiwas ng tingin. Hindi na rin s'ya nagsalita na s'yang ipinagpasalamat ko. Nakatutok lang ako sa ginagawa ko sa phone, takot na lumingon sa kaniya.
Ilang minuto kaming hindi nagsalita at tanging ang ingay ng mga tao dito sa bar ang naririnig.
"Hey, Parker!"
Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Owhen. Lumingon ako sa gawi nila. Ngayon ay nakalingon na si Parker kay Owhen.
"Hey..."
Tumingin saglit si Owhen sa 'kin at muling tinignan si Parker.
"Nag-uusap ba kayo ni Monixa? Baka nakakaabala ako..."
Kaagad akong naalerto. Tumayo ako at lumapit kay Owhen. Ako na ang sumagot sa tanong n'ya.
"Uh, no. Actually hinihintay kita kasi uuwi na ako. Magpapaalam lang sana ako sa 'yo."
"Oh? I thought maya maya ka pa uuwi?"
"Wala lang, gusto ko lang umuwi kasi nag-aya si Avery na manonood daw kami ng movie," I lied.
BINABASA MO ANG
Painful Escape
Teen Fiction(Highschool Series #1) Shaneen Meritt is starting her first year at RMC High School. She is the youngest daughter of a famous and well-known family of actors and actresses, but she aspires to be a doctor, unlike them. She went to a less-famous schoo...