Chapter 34

36 2 0
                                    

"Nope, I don't like this dress. Hmm... what about this? Still no. This? Too short."


I sighed. "C'mon, pumili ka na ang. Lahat naman maganda," sabi ko kay Avery dahil kanina pa s'ya d'yan sa harap ng salamin.


"E hindi nga ako makapili, feeling ko ang panget tignan sa 'kin. Tulungan mo na kasi ako," pakiusap n'ya.


Umirap ako at lumapit sa kan'ya. Tinignan ko ang mga damit n'ya. "How about this?" Inabot ko sa kan'ya ang floral print long sleeve chiffon midi dress.


"Uh huh, pwede rin. 'Yan nalang! Thank you Sha!"


Ngumiti ako at tumango. Habang nagpapalit s'ya ay tumawag sa 'kin si Owhen.


"Yes?" sagot ko.


"Hey," paos n'yang sabi. "Just woke up. Madami ata akong nainom kagabi, ansakit ng ulo ko."


"Uminom kana ng gamot?" tanong ko.


"I will, after this call. Where are you?"


"Papunta na sa party."


"Do you want me to fetch you? Ayos lang naman sa 'kin."


"No, it's okay. Magkasabay kami ni Avery, magpahinga ka lang d'yan."


"Hmm..." he sighed. "Kumain na kayo ng dinner?"


"Hindi pa pero dadaan kami sa restaurant bago pumunta sa RMCHS."


Hindi s'ya sumagot kaya akala ko binabaan n'ya na ako o naputol ang tawag.


"Hi Shaneen, where's Eliana?"


Halos mapatalon ako nang lumitaw sa harapan ko ang kuya ni Avery. 


"Who's that Sha? Si Parker ba 'yan? Sha?" rinig kong sabi ni Owhen sa kabilang linya. Hindi ko s'ya sinagot. 


"Nasa kwarto n'ya po, nag-aayos."


Kuya Hugo nodded. "Okay. Ingat kayo!"


I smiled and nodded. "Thank you."


Dahil wala masyadong damit si Avery sa condo n'ya, dumaan na lang kami dito sa bahay nila dahil madami daw s'yang damit dito. Mas madami ang pagpipilian n'yang damit.


"Who's that Sha?" tanong ulit ni Owhen. "Si Parker ba 'yan? Akala ko ba batch n'yo lang ang may reunion, bakit n'yo s'ya kasama? Sha?" He sounded a little angry or maybe it's just my imagination?


Bumuntong hininga ako dahil sa sunod sunod n'yang mga tanong. "What? Bakit nasama dito si Park— I mean, Doctor Capitle? Kuya ni Avery ang kausap ko. Ano bang nangyayari sa 'yo?" tanong ko dahil wala naman akong naalala na sinabi kong schoolmate ko si Parker before.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon