Chapter 35

19 0 0
                                    

Bumalik na ako sa pwesto namin at umupo ulit. Tahimik lang ako habang iniinom ang kinuha kong inumin habang ang mga kasama o ay sumasabay sa kanta at tinataas pa ang mga kamay na akala mo'y nasa concert.


"Saw you with Isabeli," bulong sa akin ni Avery. Masyadong maingay kaya kailangan n'ya pang lumapit.


"Ah, yes. Nagkumustahan kami," sagot ko.


"Ang ganda n'ya 'no?" 


"Oo," sang-ayon ko.


"Grabe, may ka-batch tayong Hollywood actress! Buti nga at hindi mahigpit ang manager n'ya at schedule at pinayagan dito."


"Hindi naman mahigpit ang kumpanya namin sa mga ganyan kasi personal life nila. As long as masaya ang mga artista at ginagawa nang mabuti ang trabaho despite that."


"Kung sa bagay..." tumango tango s'ya. "Hayst sana naging artista na lang ako para easy money tapos awra awra ka lang."


Bahagya akong tumawa. "Baliw! 'Di rin naman madali 'yon 'no."


Tumigil na sa pagkanta ang banda kaya napatingin ako sa harapan. Kinuha ni Isabeli ang mic habang inaayos ng mga banda ang gamit nila.


"Good evening everyone! Nagi-enjoy ba kayo sa reunion natin ngayon?"


"Oo!"


"Wohoo!"


"Isabeli, ang ganda mo!"


"Thank you! Thank you!" She laughed. "I'm glad that you're enjoying this party. It's been a decade, more or less since we've come together since our graduation. Some of you are already a doctor, engineers, architects, lawyers, journalists, writers, professionals, housewives, and househusbands. We have different schedules and I understand that our other batchmates can't make it tonight because of that but I'm so happy that most of you, despite a lot of things to do, still made it tonight. Thank you so much, everyone!"


Lahat ay pumalakpak pagkatapos n'yang magsalita. 


"To add some spice to today's party... Let's all welcome the valedictorian of our batch... Shaneen Monica Meritt!"


Nanlaki ang mata ko. Lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin ngayon. Nagulat ako kasi biglaan ang pagtawag n'ya sa akin. Hindi ako prepared!


I used to too much attention before because of my family but now that I'm lowkey, I don't want attention because I'm different now. It's been years since I private all my social media accounts for peace of mind.


Ito ba 'yong sinasabi sa akin ni Isabeli kanina?


I awkwardly smile. "Huh?" I mouthed to Isabeli, quite confused.


"C'mon Sha, umakyat ka sa stage!" ani Avery. Itinuro n'ya pa sa 'kin ang stage gamit ang dalawnag kamay.

Painful EscapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon